Capitulum 018

71 12 1
                                    

"TSUNAMI!"

She couldn't hear anything else.

Sa katunayan, wala nang ibang makita si Clouie kung hindi ang higanteng pader ng tubig na papalapit sa kanya. Tuluyan na siyang nawalan ng kakayahang magsalita nang mapansing papalapit na rin sa kanya ang anino sa tubig.

Time stood still as the lake threatened to engulf her within the next few minutes.

'M-Mamamatay na ba ako?'

Please, no. Masyado pang maaga. Ni hindi pa nga siya nakakapagtapos ng pag-aaral! Hindi pa niya naiaahon sa hirap ang pamilya niya, tulad ng pinangako niya dati. Hindi niya pa natutupad ang mga pangarap niya...

Hindi niya pa naipaghihiganti sina Julian at Julia.

Sa wakas, isang sigaw ang kumawala sa bibig ni Clouie.

But just as the world also came crashing down on her, someone pulled her away and shielded her from the tsunami. Gulat na nakilala ni Clouie ang isa sa mga college students na nang-imbestiga sa pagkawala ni Julian kahapon. 'Teka, ano bang ginagawa nila dito?'

"NEMESIS!"

Someone from a distance called. Doon niya lang napansin ang iba pa nitong mga kasama sa kabilang gilid ng lawa.

Pero sa kabila ng peligro, hindi alintana ni Nemesis Silverio ang katakot-takot na tubig. In a blink of an eye, Clouie was yanked away from the shoreline. Pero habang tumatakbo sila papalayo, alam niyang mawawalan din ng saysay ang lahat.

They can never make it in time.

"Takbo!"

Sigaw ni Nemesis sa kanya habang pilit pa rin siyang inaalalayan. The shock still paralyzed Clouie. She struggled to keep up despite the creature starting to emerge from the water. Paano na lang kung lunurin rin siya ng kataw na pumatay sa kababata niya?

Bumigat ang kanyang pakiramdam.

'Julian... Sorry, wala akong nagawa.'

Just then, an arrow zoomed past them.

Nanlaki ang mata nina Clouie nang makita ang binatang bigla na lang nagligtas sa kanila.

A few meters away, Damien's dark eyes still focused on the enemy behind them. Nakaangat pa ang kamay nito, hawak-hawak ang pana at palaso. The brief distraction gave Nemesis and Clouie enough time to focus on their escape just before the tsunami flooded the space.

Water gushed from the lake, the force almost outbalanced them.

Nang tuluyan nang nakalayo ang dalawa, agad na inalalayan ni Naythan ang nanginginig at basang-basa pang si Clouie.

"Hey! Okay ka lang?"

Nemesis rolled her eyes at his question.

"Ikaw kaya ang atakihin ng kataw at mabasa ng tubig?"

Napakamot naman ito sa ulo. "Hehe. Sorry naman. But damn, muntik na 'yon, Nem! Pwede bang sa susunod na magpapaka-superhero ka, sabihan mo 'ko? O kaya sigaw ka na lang ng 'Darna' para 'di ako ma-shookt next time."

Samantala, nang kumalma na ang tubig sa lawa, agad na kinuha ni Damien ang kanyang iPhone at tinawagan ang kanyang butler.

"Sorren, isolate the area... Yes, the entire lake... Tsk! As soon as possible, unless you want to lose your job." Napahilot sa kanyang sentido ang bilyunaryo. Bakit ba palagi na lang may kumento ang isang 'yon sa mga utos niya?

'Kung pwede lang sanang kumuha ng bagong butler.'

"Sige, update mo na lang ako."

Damien finally ended the call and turned to them. Sinulyapan muna nito ang lawa at napabuntong-hininga. "We need to inform the authorities about this. Ako nang bahalang makipag-usap sa kanila. We can't risk anymore fishermen out in this lake."

"At ano naman ang sasabihin mo sa kanila, na may paranormal creature na pumapatay ng mga tao rito?" Hindi pa rin kumbinsido si Nemesis sa mga plano ng isang 'to. Not because Damien acts like the leader in their club means that they need to agree to everything he plans. Besides, ang pagiging "skeptic" naman niya ang dahilan kung bakit siya nasa EPIC, hindi ba?

Might as well execute that power.

"I don't think it's wise to inform the police about this. Hindi sila maniniwala."

"Hindi natin sasabihin sa kanila ang tungkol sa kataw," sagot ni Damien habang nakatuon ang kanyang atensyon sa screen ng kanyang iPhone. "Just make up a story about polluted waters or something and everyone will be foolish enough to believe it. To make it even more believable, magco-commission na lang ako ng scientist para magsabi sa kanila. People with lab coats always have a great influence."

Napasimangot naman ang dalaga sa sinabi nito. Sa kanyang tabi, Naythan's jaw almost dropped when he realized what this means.

"Woah! Ibig sabihin may contact ka rin sa mga scientist ng ESO?"

Damien nodded, already busy with whatever strings he was pulling. Nagkatinginan sina Nemesis at Naythan, hindi makapaniwala sa impluwensiya at mga koneksyon ng kanilang kasama. With a tremendous amount of money and power, Damien Alcott could easily control Eastwood if he wanted to.

Sa kabilang banda, Caelum was already preoccupied with his own investigation. Naglakad-lakad siya sa gilid ng lawa, basa at maputik na ang lupa dahil sa tsunami. It wasn't as deadly as they thought it would be, just enough to scare them away. Luckily, mukhang nakaapekto ang pana ni Damien sa nilalang. 

'But a normal arrow wouldn't do any harm on a kataw. Naging maswerte lang kami ngayon,' Caelum thought and sighed. Mas makakabuti nga siguro kung isara na muna nila ang lawa. Baka mas marami pang mapahamak dahil sa pag-atake ng mga kataw.

Bumaling si Caelum sa direksyon ng grupo.

Suddenly, something caught his eye. Nagpakurap-kurap siya nang bigla itong nawala.

'Ano 'yon?'

Hindi na niya nausisa ito nang biglang magsalita si Damien. The young billionaire finally addressed them with a serious expression that reflected their own. "Papunta na rito sina Sorren. Isasara na muna nang ilang araw ang lawa hanggang sa matapos na ang problema sa kataw."

"Ilang araw?" Clouie butted in, a bit hesitant. "Pero paano ang mga naghahanap-buhay rito? Maraming mangingisda ang nakaasa sa lawa ngayon lalo't may paparating na naman daw na bagyo."

"They'll be provided financial assistance for the time being. Okay na?"

Napasimangot si Clouie.

Nang mapansin ito ni Nemesis, she immediately voiced out her thoughts, "Financial assistance? Seriously? Minsan talaga hindi ko alam kung bakit sa tingin mo pera na lang lagi ang solusyon."

"Then what else do you suggest we do, Silverio?" He glared, unimpressed with her.

"I suggest you keep your money to yourself and think of another way to help them."

"What the fuck? You're just making this situation more complicated!"

"At least I'm not shoving money up their asses! Hindi mo ba alam 'yong kasabihang 'it's better to teach a man how to fish'?"

Maging sina Naythan at Caelum mukhang ayaw na ring makialam sa usapan ng dalawa. Ramdam nila ang tensyon sa pagitan ng dalawang 'to, and none of them wanted to be part of the verbal war.

Kalaunan, unang nag-iwas ng tingin si Damien at inis na naglakad papalayo. Nang tanungin siya ng kanyang clubmates kung saan siya pupunta, he briefly stopped in his tracks. Damien turned his head to them, just enough so that they could catch a glimpse of that sly smirk playing on his lips.

"Getting the camping bags. Manghuhuli tayo ng kataw mamayang gabi."

---

EPICWhere stories live. Discover now