Capitulum 025

65 11 0
                                    

"Ano bang sinasabi mong may conflict sa schedule? Sino ba sa'kin ang producer, ha?!" 

"P-Pero, sir, kinausap ko na kanina si Ms. Tasha---"

"If you don't meet me there in fifteen minutes, ika-cancel ko na ang agreement!"

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng kausap niya sa kabilang linya. Para saan pa? Mr. Domingo is a busy man, and he has no time for petty excuses. Alam ng mga taong nakakakilala sa kanya na hindi dapat siya pinaghihintay at lalong hindi dapat siya iniinis.

'Mga peste talaga,' isip-isip ng sikat na producer bago humithit sa kanyang tobacco.

The smoke filled the backseat of the car, causing the driver to eye him worriedly. Pero dahil sa takot din nito sa kanya, mabilis rin niyang ibinalik ang atensyon sa daan at hinayaan ang kanyang amo. Mr. Domingo smirked and chuckled to himself, 'Tama. Pagmamay-ari ko kayo.'

Isn't it amazing what money and a little fame can do? Pati kaluluwa ng tao, kayang-kaya niyang bilhin kung gugustihin niya.

Screw morality. Pera na ang nagpapaikot sa mundo.

"At magugulat ka lang kung anong kayang ibigay ng mga pobre para lang umangat sa estado ko," the man mumbled to himself as he gazed out the window. It was a little past 8:00 p.m., pero mukhang hindi pa rin uusad ang trapik. Mahina siyang napamura at agad na sinipa ang sandalan ng driver.

"Hoy, wala na bang mas bibilis dito? Baka ako naman ang ma-late."

"Sir, may alam akong ruta, pero---"

"Hep. 'Wag ka nang magsalita, mag-drive ka na lang. May alam ka naman palang ibang daan, dami mo pang satsat."

Naiirita na talaga siya sa mga bobong kagaya nito. Hindi ba niya alam kung gaano kalaki ang pangalan niya sa mundo ng showbiz?

"Pero sir, i-iyon kasi ang Mahogany Street."

He blew smoke, not giving a damn if it made the other occupant cough. "Oh, ano ngayon?"

"May white lady daw roon."

"Just drive!"

Agad na nataranta ang driver sa pagsigaw nito pero mabilis ring sinunod ang utos. When they reached an intersection, kumanan ang driver at may dinaanang mga eskinita. Tahimik at mukhang tulog na ang mga tao sa parteng ito ng siyudad. Tanging mga ligaw na pusa na lang ang nagkalat sa lansangan.

'Mahogany Street. Psh! Sino namang matino ang magpapaniwala sa mga multo?'

The streetlights flickered as they reached a curb, but as they drove straight ahead, kapansin-pansing nagpatay-sindi na rin ang headlights ng kanyang kotse.

"Hoy! Nananakot ka ba, ha?"

"S-Sir, wala po akong alam dito. Bigla na lang..."

Kamuntikan nang mabalibag sa upuan si Mr. Domingo sa biglaang paghinto ng driver. Just in time, he saw the image of a woman in white crashing against the hood of the car. Muling nagpatay-sindi ang mga ilaw ng kotse, kasabay ng pagbuhay ng radyo.

"Nakasagasa ba tayo? Nasaan na 'yon?" Mr. Domingo asked, but the driver didn't seem to hear him.

Lalong lumakas ang static sa radyo, at sa nakakakilabot na pagkakataon, para bang may mga boses na nagsasalita rito. It was incomprehensible, but it was enough to send a chill up the producer's spine.

"H-Hoy! Bakit ba h-hindi ka nagsasalita? Gusto mo ba talagang mawalan ng trabaho? S-Sumagot ka!"

Inaalog-alog na niya ang balikat nito. But when the driver turned to face him, Mr. Domingo screamed in terror when the pale face of a woman stared back at him. Sinubukan niyang lumabas pero naka-lock ang mga pinto ng kotse.

"L-Lumayo ka sa'kin!"

Nakatitig lang ito sa kanya. Those black eyes made sure they haunted him in every waking moment.

"L-Lumayo...."

A sinister smile graced her dead lips as she reached for the producer.

Cold fingers gripped his fat neck.

His screams fell on deaf ears in the middle of Mahogany Street.

Sa huli, tuluyan na niyang nabitiwan ang kanyang pinakamamahal na tobacco.

---

EPICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon