Capitulum 001 [Case 01]

543 49 13
                                    

[CASE 01]

Professor Malvar died yesterday.

No...

He was murdered.

But, of course, nobody believed Nemesis whenever she suggested this.

Kahit pa ang matalik niyang kaibigan, ayaw siyang paniwalaan tuwing babanggitin niya ito. Kaya noong naungkat na naman ang issue habang kumakain sila sa ng tanghalian sa food plaza ng ECU o mas kilala bilang ang "Area 13", hindi na siya nagtaka nang binitiwan ni Naythan ang kanyang kutsara't tinidor at bumuntong-hininga.

"Nem, siguro kung babayaran ako ng bente pesos tuwing babanggitin mong 'hindi ako naniniwalang inatake lang siya sa puso', baka napasama na ako sa listahan ng mga billionaire sa Forbes magazine."

Napasimangot na lang si Nemesis.

"May inatake ba sa puso na ubos ang dugo sa katawan? We both know that 'died of a heart attack' part on The Eastwood Daily is just a cover-up, Naythan."

"Eh? Malay mo, noong nagpunta siya ng langit, aksidente niyang nasama 'yong dugo niya. Di siya na-orient na kailangan palang iwan sa lupa."

She rolled her eyes.

"Tsk! Alam mo, kahit kailan talaga hindi ka matinong kausap."

"Hehehe! Pero gusto mo pa rin akong kausap. That just proves that I'm too irresistible! Tama ba, Ne---"

"I still think Prof Malvar was murdered. Hindi ko lang alam kung paano at sino ang may gawa nito... Pero malaki ang posibilidad na taga-Eastwood lang din ang pumatay sa kanya!"

Pero imbes na sumang-ayon sa kanya, napailing na lang ang binata. Maya-maya pa, bumalik na ang atensyon nito sa kanyang kinakain. Nemesis watched as he (tried to) sliced his beef steak using one of those worn-out knives from the university cafeteria.

"Nah! You know what I'm thinking?"

"What?"

"I'm thinking you're reading too many mystery novels again!"

Malakas na anunsiyo nito sabay kagat sa kanyang pananghalian. Mukhang hindi na siya nag-abala pa sa paghihiwa. In fact, hindi na nga siya nag-abala pang ubusin muna ang laman ng bibig niya bago magsalita.

"Chull kam long kosi!"

"Naythan, I can't understand a word you're saying."

He blinked in confusion before deciding to swallow his food. "Hahaha! Sige, take two... Chill ka lang kasi! If I were you, I wouldn't get myself involved with all these mysteries. Tulad nga ng motto ko sa buhay: 'Kung hindi ka apektado, 'wag mo nang i-stress-in ang sarili mo!'"

"Motto ng mga self-centered."

"Grabe ka naman. Motto kaya 'yan ng mga taong alam kung ano ang priority nila sa buhay!"

"Pero kasi..."

"Matagal nang magulo ang mundo, Nem. We can't do anything about it, so might as well mind our own business! Minsan, kailangan na lang natin tanggapin 'yon. Okay?"

Matagal na hindi nakaimik ang dalaga. Ni hindi na niya nagalaw ang pagkaing in-order niya kanina. Even her favorite dish won't keep her from losing her appetite today. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang nabasa niyang artikulo kanina sa dyaryo. 'Naythan has a point. Pero may hindi pa rin tama sa kasong ito,' isip-isip ng dalaga. Indeed, the 27-year-old professor's death sparked everyone's sympathy.

But it wasn't enough to rekindle their curiosity.

Nakakatawang isipin na mas concerned pa ang mga tao sa petsa ng pagkamatay niya kaysa sa kung "paano" siya namatay.

EPICWhere stories live. Discover now