Capitulum 003

167 24 1
                                    

"My name's Damien Alcott... It's a pleasure to finally meet you."

Her breath hitched.  

Pakiramdam ni Nemesis napako na siya sa kinauupuan niya habang nakatitig sa mga mata ng mamamatay-tao. The images of Professor Malvar's dead body flashed in her head. A morbid scene. A lifeless body. Nanindig ang kanyang balahibo sa takot.

Nahanap na siya ng killer.

Nemesis felt the walls of the room closing in on her. Nahihirapan na siyang huminga. Gustuhin man niyang tumayo at tumakbo palabas ng classroom, humingi ng tulong sa mga pulis, o umuwi at pilitin ang kanyang mga magulang na umalis ng Eastwood...

She can't.

Realization dawned on her.

She can't run away after getting herself entangled in this spider's web. The moment she chose to venture into the Northern forest, was the same instance she dug her own grave.

Ipinapaalala ng maliit na boses sa kanyang isip na wala na siyang kawala.

Kahit saan siya tumakbo o magtago, hahanapin at hahanapin pa rin siya ng demonyong ito.

Hindi na nakaimik si Nemesis. Tuluyan lang siyang nakahinga nang maluwag nang maupo sa kabilang dulo ng klase ang killer---err...si Damien.

'Should I even call a killer by his first name?'

"Psst!"

"...."

"Hoy! Nem, ayos ka lang?"

Napabalik na lang siya sa kasalukuyan nang kalabitin siya ni Naythan. Sa kabila ng kanyang pangungulit, nakita ni Nemesis ang pag-aalala nito sa kanya.

Instead of answering him, she just stared at him for a moment.

No matter how loud, hyperactive, and irritating he is (sometimes), he's still her bestfriend, right? Kaya kung sakaling mapahamak man si Nemesis o bigla na lang siyang hablutin at kaladkarin ni Damien sa limo nito, at least someone will have a clue on what really happened.

Para man lang magkaroon ng hustisya ang kanyang pagkamatay.

"Umm... Nem? Bakit ka nakatitig sa'kin nang ganyan?"

"May sasabihin ako mamaya."

Nanlaki ang mga mata ni Naythan. "Nem... Matagal na tayong magkaibigan. S-Sigurado ka ba? Ayokong saktan ka... Alam mo namang mahalaga ka sa'kin, pero natatakot kasi akong baka hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo..."

She blinked in confusion. "Huh?"

"Ay. Hindi ka ba magko-confess ng feelings mo sa'kin? Hehe."

Napasapo na lang ng kanyang noo si Nemesis. 'Sana lang hindi ko pagsisihan ito,' she thought and sighed.

Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niyang nakatitig pa rin sa kanya ang transferee.

'Bakit ba hawak pa ni Damien ang cellphone niya?'

*

'A good butler should always obey his master's orders.'

For several years, Sorren kept that in mind. Ilang taon na niyang pinaglilingkuran ang pamilyang Alcott, at ni minsan hindi siya sumuway sa anumang ipinag-uutos nila.

No matter how crazy their requests were...

"Nakakadena na ba ang kabaong niya, Sorren?"

Nabulabog ang katahimikan sa boses ng kanyang amo. There was a hint of impatience in Damien's hushed tone, but Sorren said nothing and nodded. Realizing that he couldn't see him, agad na tinapos ng butler ang kanyang ginagawa. Nang mailagay na ni Sorren ang padlock, kinuha niya ang puting panyo sa breast pocket ng kanyang puting tuxedo at pinunasan muna ang pawis sa kanyang noo bago sumagot.

EPICWhere stories live. Discover now