Epilogue

29.6K 1K 771
                                    

Stacey's PoV:




[Hello sweetie? Okay lang ba kayo ni Demi dyan?]





"Yes po Mom. Okay naman kami." I answered. Well from the name of it, automatic na si Mommy ang kausap ko kabilang linya.






[Okay. Ingat kayong dalawa ha. Enjoy sa date.] We bid our goodbye to each other bago tuluyang ibinaba ang tawag.






Hindi ko maiwasang mapakunot-noo nang mapagtantong wala pa si Demi ngayon. I glanced at the clock at nakitang  quarter to 7pm na.






Gosh. Relax ka lang Stacey. Hindi dapat naiistress ang mga magaganda. Bawal yon sa atin.





Napapikit ako ng mariin. Maybe, nalate or baka naman natraffic lang yung darling ko na yun. Yeah right ganon nga. Hindi na dapat ako magworry.





Well, may usapan kasi kami ngayong dalawa na magdedate kami for our anniversary.





Yeah. Tama kayo nang pagkakabasa. Anniversary. Tumagal din kami ng taon and counting. Going strong kumbaga. Parang kelan lang nung una kaming nagmeet sa bar. Then sunod-sunod na ano na yung nangyari hahaha. Ang nostalgic lang.




Hindi ko nga alam kung paano ako natatagalan ni Demi. Maybe because I'm so fabulous kaya ganon.





I chuckled because of that. Hayst. I'm really gorgeous and take note, sexy pa. Talagang hindi na lugi sa akin si Demi.





Talagang lagot sya sa akin if ever man na maisipan nyang maghanap ng iba. Tss. Baka kung anong magawa ko dun sa kabit nya.





Parang nag-init bigla ang ulo just the thought of that. Alam nyo naman ngayon, nagkalat na ang mahaharot sa lansangan natin.





But that doesn't mean na magpapatalo tayo right?




So yeah, here I am sitting prettily sa aking couch. I continued waiting for her. Panaka-naka akong napapatingin sa door ng aking unit. Thinking na anytime ay kakatok sya dito.






Chinecheck ko rin ang aking phone dahil baka mamaya may call or text si Demi sa akin.



Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit ni anino man lang nya ay hindi ko makita.




Argh! Damn it! San ba nagpupupunta ang babaeng yon ha? Don't tell me, may stop-over pa sya?





Tsk. At talagang tinapat nya pa talaga ea anniversary namin. Ugh nakakainis!





That's it! Ubos na ang pasensya ko sa kanya. I made up my mind and decided na puntahan na si Demi sa unit nya. Baka kase may nangyaring masama.





Ang ganda ganda pa naman ng mood ko kanina tapos biglang magiging ganto. I stand up at akmang pupunta na sa aking room nang biglang nagring ang aking cellphone.




I quickly jolted in joy. Finally! Tumawag rin sya.




Suddenly, unti-unting nawala ang ngiti ko nang makitang hindi pala si Demi ang tumatawag sa akin. Tsk. False hope. Saglit na kasiyahan.




Hindi ko maiwasang magtaka nang makitang si Erin pala ang tumatawag sa akin. Well, I know her dahil friend sya nung darling ko at sya rin yung girlfriend ni Ella bitch.



Yes. Tama uli kayo nang pagkakabasa. Or maybe mag-asawa na sila.




Hayst. Kelan kaya ako aayain ni Demi kasal? Talagang masasakal ko sya kapag hindi man lang sumagi sa isipan nya yun.






University Series : Stacey Desire ZuluetaWhere stories live. Discover now