Chapter 29

22.1K 877 277
                                    

Margarette's PoV:






Here I am, walking elegantly in this super long corridor. Syempre kailangan ibalandra ang aking angking ganda. Chos lang hehehe... Pero totoo nga naglalakad ako ngayon habang dala dala ang napakaraming test paper. Inutusan kase ako ni Ma'am Cruz, isa kong teacher na ilagay ito sa faculty nila. Ako daw kase ang maasahan nya lang sa classroom namin. Edi wow na lang. Ang dami dami namin eh tapos ako ang pinili.





Gosh ang bigat naman neto. Siguro lahat ng hawak nyang section to. Pero wala eh. Bawal umangal. Baka mamaya bigyan ako ng mababang grade non eh hehehe...





Wala naman masyadong tao sa corridor dahil karamihan ay mayroong mga klase. May mangilan ngilan na estudyante. I guess it's their vacant time. I just shrugged at itinuloy na lamang ang paglalakad papunta sa English faculty.






While walking, I saw a man from the other side. Naka tungo ito habang nakatuon ang atensyon sa kanyang cellphone. I must say na maitsura sya kahit hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha. And he's kinda... familiar to me. I don't know why. Parang nakita ko na sya dati pa?





Napailing na lang ako sa kawalan. Hayst wag mo na nga isipin pa yon Demi girl. Isipin mo na lang ang sweetheart mo hahaha...





'Baket may mo? Sayo ba sya?' sabat ng aking mahaderang utak.





I mentally rolled my eyes. Masama ba? Hmp balaka nga dyan. Panira ka talaga kahit kelan mind.





Anyways ayon nga si Stacey na lang aang isipin mo Demi. Owemji, ganto ba ang feeling kapag naiinlove? Hayst ang weird pala noh na may pagka cheesy. I wonder kung bakit parang hindi ko ito masyadong naramdaman dati kay Calix? Hindi ba sya counted?





Busy ako kakatanong sa aking sarili nang biglang may naramdaman akong bumangga sa akin. Hindi naman ito gaanong kalakas pero kase...




Nahulog lang naman ang lahat ng dala dala ko!!!





Putangina langgg!!!





T-T Napakadami non jusko po. Nagkalat sila sa sahig huhuhu... Aabutin ata ako ng syam syam kakapulot sa kanila. Mabuti sana kung may tumulong saken diba.






Speaking of, dahan dahan akong bumaling sa taong bumangga sa akin na sya ring dahilan ng aking paghihinagpis. Chos. Handa na akong talakan sya nang bigla itong nag angat ng tingin.





"Owshit I'm really sorry Miss." mabilis nitong saad. Halos manlamig ang aking katawan nang marinig ang kanyang boses. Parang nasa horror house ata ako ngayon. That voice alam na alam ko kung kanino iyon. Katulad ko, bakas rin ang gulat sa gwapong mukha ng aking kaharap.





"Damn ikaw pala yan Doc. Sorry talaga. Let me help you with that tutal kasalanan ko naman." saad ni Calix nang nakabawi ito. He also flashed his signature smile.





Yeah tama kayo ng basa. Si Calix na ex ko ang nakabangga sa akin. Hindi ko alam kung double meaning ba ang sorry nya o hindi.





Great. Just great. Mark the sarcasm please. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang namanhid ako bigla. Hinayaan ko na lamang sya sa kanyang sinabi at tumulong na rin sa pagpupulot ng mga papel na nahulog. I'm just wondering, bakit parang ganon ang mga actions nya? Parang hindi ako niloko. Wow lang hahaha.





Memories of the day he cheated on me started to flash in my mind. I clenched my fist. Parang gusto ko syang suntukin ng bonggang bongga.





University Series : Stacey Desire ZuluetaWhere stories live. Discover now