Chapter 35

21.7K 871 450
                                    

Margarette's PoV:




"Huy Margarette, nakatingin sa'yo si Stacey oh." Saad ni Xyzrielle sa akin.





"Oo nga ayun sya oh." Turan naman ni Erin at itinuro pa talaga ang direksyon na kinaroroonan nila.






Nasapo ko bigla ang aking mukha. Halatang halata naman. Hay nako kahit kelan talaga sila noh hahaha...





"Dali na tingnan mo na sya. Alam ko namang gusto mo rin eh." Ay shems pano nya nalaman? Tumpak na tumpak eh. Chos lang hihihi.






I composed myself first. Go Demi! Isang sulyap lang then gora na agad ha.






Dahan dahan akong lumingon sa itinuro ni Erin. Matamang tinitignan nya kami or most specifically, ako.







Gosh. Nakakapanginig naman. Di ko pa rin kaya. Mayroong emosyon akong nakikita sa kanya na hindi ko mabasa o matukoy.






Saglit na nagtama ang aming mga mata. Maya maya pa ay nag-iwas sya bigla ng tingin at itinuon na lang ang atensyon sa kanyang kinakain.







We're here now sa cafeteria upang kumain dahil na rin break time na namin. Kasama ko rin ang mga kapwa ko Cutie Explorer na si Erin at Xyzrielle.






Ilang araw na rin ang nakakalipas nang matapos ang lahat lahat sa amin. Hindi ko na madalas na makita si Stacey o makasalubong man lang. If ever man is parang hindi kami magkakilala o kung ano pa.







I heaved a sigh. Parang nagsisisi tuloy ako sa ginawa ko. Pero atleast ito ang tama diba? Atsaka nasabi ko na rin naman ang nararamdaman ko sa kanya last time.





Naputol bigla ang aking iniisip nang narinig kong nagsalita si Xyzrielle. "Makipagbalikan ka na kaya Demi girl."





"Oo nga. Halata namang bet nyo ang isa't isa hmp." Nakahalumbabang saad ni Erin.





Owemji. Ito na ba ang sign? Pero kase--- hayst. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko dahil ito ang mas nakakabuti sa aming dalawa.






"Correction Erin, ako lang ang may bet sa kanya." Hindi ko maiwasang malungkot. Isa pa kasing factor yon eh.






'Che! Hindi mo man lang kase inantay kung anong sasabihin nya. Malay mo same pala kayo ng feelings.' sabat ng mahadera kong utak.






Para san pa? Alam ko rin naman kung anong kakahinatnan eh. Mas lalo ko lang sasaktan yung sarili ko diba?





Atsaka anong same feelings? If I know straight si Stacey kaya imposible yon.






"It really hurts! Ang magmahal ng ganito~" sabay nilang saad sa akin.  Nang-asar pa talaga sila huhuhu.






Napahalukipkip ako bigla. "Palibhasa mga okay yung mga lovelife nyo hmp."





Nakita ko kung paano nanlaki bigla ang kanilang mga mata. Alam kong may mga something. Updated kaya ako lagi hahaha...






"Haluh. Hindi kaya okay ang lovelif---"





"What did you say? Tama ba ako nang pagkakarinig Xyzrielle?"






Sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita and there we saw Athena. Naka crossed ang dalawa nyang kamay habang masamang tinitignan ang kaibigan namin.






University Series : Stacey Desire ZuluetaWhere stories live. Discover now