Chapter 20

28.5K 1.1K 121
                                    

Demi's PoV:

"Tss walang wala yun sa kalingkingan ko. Sa susunod kung pipili ka ng kaharutan siguraduhing mong ka level ko. Inshort just choose me!" she said at walang pasintabing siniil ako ng halik.

Napaalma ako bigla. I don't know what would I do next. May part sa akin na gustong tumugon sa kanyang halik at mayron namang part na nagsasabi sa akin na huwag.



I decided na hayaan na lang sya. But itinikom ko ang aking labi. Siguro ay naramdaman nya ang ginagawa ko so she step back. Nakarehistro sa kanyang mukha ang inis. 


"Tsk. Bakit hindi ka nag rerespond?" naiinis nitong saad sa akin. Hindi pa ako nakakapag react when she pulled me into a kiss again. But I stay still kahit napaka hirap. Buti na lang talaga at nakeri ko.


"What's wrong with you huh?" tanong nito sa akin.


"A-Ano... Mali tong ginagawa natin." I said to her. I held a sighed first. Nakapag desisyon na ako. Ito ang tama at nararapat. Nakita kong kumunot ang noo  ni Stacey. I guess, hindi nya yon nagustuhan.


"What?! After ilang beses nating gawin ngayon mo lang maiisip na mali to? You're unbelievable!" hindi makapaniwalang asik nya sa akin. Kailangan naming I stop na ang mga ganitong bagay. I think it's not healthy for the both of us.

"Hmm... I wonder if you're just making an excuse."

"Tell me honestly nakahanap ka na siguro ng iba bukod sa akin no. Yung mas magaling ba?" nakataas kilay nitong tanong sa akin. Ako naman ngayon ang napakunot noo dahil sa narinig. Paano naman sumagi sa isipan nya ang ganyang ideya? Agad akong umiling bilang sgaot sa kanyang tanong.


"No It's not. I think masyado na tayong naaapektuhan sa kung ano mang namamagitan sa ating dalawa." paliwanag ko sa kanya. Hindi ko mabasa kung anong reaksyong ang nakapaskil sa kanyang magandang mukha.


"So anong gusto mong sabihin? Go straight to the point." emotionless nitong utos sa akin. Napalunok naman ako dahil doon at nagsalita na. I need to say this things. Mas okay ito.


"I think kalimutan na lang natin ang nangyari." kinakabahan kong sabi sa kanya. Eto na lang ang tangi kong naisip na paraan. Alam kong niloloko ko lang ang sarili ko dahil dito. I know to myself na ang namagitan sa aming dalawa ay hinding hindi mawawala sa akin.


Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Maya maya ay nagsalita na rin sya.



"You're saying na we should forget what happened about us? Is that it?" she asked me. I just nod my head as an aswer.


"Then fuck it!!!" galit nitong sambit. Nagulat naman ako dahil doon.

"I thought iba ka. Akala ko iba ka sa kanila but I guessed I'm wrong at all. Tama nga sila. Maraming namamatay sa maling akala." ramdam ko ang pait sa kanyang sinabi at hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. Parang gusto ko na tuloy bawiin ang sinabi ko at mag sorry sa kanya. Hindi ko talaga sya kayang tiisin.


Napailing muna ito bago magsimulang maglakad papalabas ng restroom. Ngunit hindi pa sya nakakalayo nang makita kong parang babagsak sya. Agad akong naging alerto at maagap siyang sinalo. Ayaw ko naman syang bumagsak noh. Ang sakit kaya non.




"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Stacey habang hawak ang kanyang beywang.


"I'm okay alis nga!" masungit nitong sabi sa akin kaya I let her be. Hinayaan ko sya sa kanyang gustong gawin. Ngunit nang maglakad syang muli ay natapilok naman sya. Hayst ano ba naman tong babaeng ito hindi man lang nag iingat tsk.


University Series : Stacey Desire ZuluetaWhere stories live. Discover now