Chapter 25

30.3K 1.1K 210
                                    

Margarette's PoV:




"Hi." bati ng kung sino matapos kung makalabas ng aking classroom. Dismissal time na at mabuti na lang at maaga nag palabas ang last subject namin.



"Oh ikaw pala yan Stacey." nakangiti kong balik bati sa kanya. I noticed how her smile fades away ngunit bumalik din naman agad.



'Hindi man lang sweetheart o kaya Desire ang tinawag sa akin hmp.'  bulong nya na narinig ko naman. Napailing ako dahil doon at lihim na napangiti. Ayokong sabihin na kinikilig ako pero parang ganon na nga hahahaha.




"Tara alis na tayo." masigla nitong saad sa akin at hinawakan pa talaga ang aking kamay. Hindi maiwasang kumabog ng aking dibdib.




Mygoodness. Kalma heart. Si Stacey lang to ha. Wag kang kabahan sa kanya. Balik ka na uli sa normal mong heartbeat.



"Uhm guys una na kami ah." paalam ko sa aking mga kaibigan na nakatanga hanggang ngayon sa kasama ko. Para na star struck ang mga siste. Ang epic ng reaction nila hahahaha. Sarap picturan.



"Sige ingat kayo. Kita kits uli bukas." Allysa said na syang unang nakabawi samantalang yung dalawa ay ganon pa rin. Halatang nagulat. But they're giving me a 'mag kwento ka sa amin' look.



"Let's go." sabat ng kasama ko at hindi na ako pinag salita pang muli. Well hinila na kasi nya ako.





Kaya heto kami ngayon, naglalakad habang magka holding hands. Yieeeeee~ HHWW ang peg namin ngayong dalawa.





Ramdam ko na marami ang estudyanteng nakatingin sa amin ngunit hindi ko na lang pinansin pa. Be confident Margarette. Maganda ka remember? Mas maganda nga lang yung kasama ko hehehe...




"Kanina ka pa ba nag aantay?" tanong ko kay Stacey. We're currently heading to the parking lot.




"Nope. Kakadating ko lang din naman which is good." sagot nya sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Nakakahiya kasi if ever man na nag antay sya ng matagal.




"Hayst sabi ko naman kasi sa'yo na wag mo nang gawin pa ito eh... Ako na lang ang pupunta sa room mo if you want." I said. Totoo yon. Oo nga pala guys. Ilang araw nya na tong ginagawa sa akin. Lagi kaming sabay umuwi.





"No I insist. I'll wait for you na lang. Atsaka baka mamaya may makasalubong kang babae na sexy at maganda sa building namin... Tsk mahirap na. Maraming nagkalat na hitad sa paligid. Knowing you, mahilig ka pa naman sa mga ganoon lalo na yung kita yung cleavage." mataray nitong saad. Napahigpit na rin ang pag kakahawak nito sa aking kamay but I'm not complaining.





Wow. I have no words. Napansin nya pala iyon hehehe. Pero wait lang. Kailangan kong idefend ang sarili ko.





"Desire wala naman akong nakikitang hitad ah? Atsaka ano kasi... Napapatingin lang talaga ako sa *ehem* cleavage kasi nga nakalitaw lam mo yon hehehe." awkward kong sagot sa kanya. Mas lalong naningkit ang mga mata nito sa aking tinuran.







"Matuto ka ngang makuntento sa dibdib ko! Malaki na nga to eh hmp!" masungit nitong saad sa akin. Nag init naman ang mga pisngi ko dahil sa sinabi nya.  Jusko po.




I heaved a sigh. Hayst.



"Opo marunong po akong makuntento. Wag ka na pong magalit. Bahala ka hindi ka na kyut nyan."  Malambing kong saad sa kanya. I saw how she softened up. Yes! Success! Madali lang pala syang paamuhin guys hihihi. Hindi na ako mahihirapan pa.



University Series : Stacey Desire ZuluetaWhere stories live. Discover now