Plankton's Greatest Love

25 1 0
                                    

(Spongebob Squarepants Series #2)

"Within the count of three, finish or not finish, pass your paper forward," Ani ko habang pinapasa ng mga estudyante paharap ang sinagutang papel.

"All papers in?" Pagtatanong ko.

"Yes sir Rex." Malakas at natutuwa pang sagot nila. Habang inaayos ko ang mga papel, tinawag naman ako ng may paggalang ni Sheena. Ang estudyante kong napakakulit.

"Sir Rex, since tapos na po ang quiz namin, kwentuhan mo naman po kami. Di ba iyon promise mo sa'min? After ng quiz, magkukuwento ka po." Nakangiti niyang sabi.

"Sure thing." Nakangiti ko ring tugon.

Ako si Rex Mercado. Grade 10 math teacher. Nakagawian ko na ang pagkukuwento na pumapatungkol sa buhay-buhay. Kumbaga, ako ang Aesop Fable sa kapanahunang ito kung tawagin.

"So what story do you want to hear for this day?"

"Sir." Pagtawag ng estudyante ko sa akin.

"Yes, Miss Madrigal?"

"How about the hidden stories of cartoon characters?" Ani Madrigal at umupo.

"Mmm. That's a great idea. What cartoon character do you want me to storytell?"

"Disney Princesses."

"Transformers."

"Anime na lang kaya." Kaniya-kaniyang bigay ng ideya ang mga estudyante niya hanggang sa nagtaas ng kamay ang isang estudyanteng nagngangalang Fiona Carlos.

"Sir! Ako po sir," ani Fiona.

"Yes Miss Carlos." Tumayo muna ito bago sumagot.

"Si Plankton po. Yung parang mukhang cockroach sa Spongebob Squarepants."

"I think nakapili na ako kung ano ang ikukuwento ko."

"Guys! Huwag kayong maingay. Mags-start na si sir." Pagsusuway ng class president nila. Tumahimik naman ang paligid. Indikasyon na simulan ko na ang dapat gawin.

"What I'm going to tell for this day is the hidden story of Plankton. Sheldon J. Plankton is his full name. He is the main antagonist of animation Spongebob Squarepants. He is known for being wicked and one of the dangerous villains of the film. But do you believe that he is really a bad guy?" Aking tanong habang nakatingin sa kanila.

"Oo naman sir."

"Masama talaga si Plankton."

"Sinasaktan niya nga favorite cartoon character ko na si Spongebob."

"Pero alam ninyo ba kung bakit niya nagawa iyon?" Muli kong pagtatanong sa mga estudyante kong mababakas sa itsura ang pagtataka.

"What do you mean sir Rex?" Pambabato rin nilang tanong sa akin. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"He do all those things just for the sake of love."

"Hala! Bakit po?"

"Anong nangyari?"

"Mayroong napaibig si Plankton and her name is Karen. Parehong nagkakilala sa paaralang pinapasukan nila dati. Nangyari rin sa kanila ang tipikal na pangyayari sa isang relasyong nangyayari para sa kabataan. Naging magkaibigan, nagkapalagayan ng loob, nagkaaminan, at naging magkasintahan. Sila ang masasabi mong perfect couple. At paniguradong kaiinggitan ng lahat. May pagdaanan man, sabay haharapin kahit mahirap. Kalauna'y naging mag-asawa sila at nagkaroon ng malusog na anak. Wala na silang mahihiling pa dahil 'yon din ang dahilan para magkaroon sila ng restaurant na nagngangalang Chum Bucket. Ito ang bumuhay sa kanila sa loob ng walong taong pagsasama. "

The SeriesWhere stories live. Discover now