Squidward The Grumpy

17 0 0
                                    

(Spongebob Squarepants Series #5)

"Ang gwapo talaga ni Doc Rael."

"Kaya nga ako dito nagpa-assign para kapag papasok siya ng ospital eh ma-greet ko siya."

"Tapos ang tali-talino pa."

"Ang macho pa talaga niya."

"Idagdag mo pa mayaman din."

"Hala! Talaga?"

"Oo sis. Balita nga eh isa sa top five sa pinakamayaman dito sa Pilipinas si Dr. Rael."

Iyan lagi ang bulungan ng mga nars sa tuwing daraan ako. Well I can't deny that I'm gifted genes pfft

"Kaso ang sungit-sungit."

"Kaya nga."

"Aish bahala na. Basta ako mahal ko si Dr. Rael."

"Ay wow! Mahal agad? Di ba pwedeng crush lang."

"Duhh malay mo naman. Maganda rin naman ako."

Tumikhim ako sa naririnig na usapan nang makapasok sa loob ng ward. Nagsibalikan sa pagtatrabaho ang mga nars.

"Next time, kapag oras ng trabaho dapat oras ng trabaho ang inaatupag. Hindi ang makipagchismisan kayo tsk," saad ko.

Aside from being a doctor in this hospital, I'm also the owner.

"Y-yes po, doc."

"And please kung mag-uusap kayo, siguraduhin ninyong hindi kayo maririnig. Nakahihiya sa pasyente ninyo."

"S-sorry po doc."

Bumuntong hininga ako bago muling nagsalita.

"Go back to work."

Wala na silang sinabi at sumunod na lang.

"Kahit kailan talaga, Rael. Masungit ka pa rin. Baka umalis na lang bigla ang mga nagtatrabaho dito sa ospital kapag gaganyan-ganyan ka." Saad ni Chris, ang kaibigan kong doktor at isang stockholder ng ospital. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Dude sa itsurang ito, sa tingin mo ba walang magtatagal?" Ani ko na itinuro pa ang mismong mukha.

"Yeah, yeah. Whatever," aniya at pinuntahan na lang ang pasyenteng aasikasuhin.

Hindi na ako nagpaalam sa kaniya dahil araw-araw din naman kaming nagkikita sa ospital. Pinuntahan ko na lang ang room ng pasyente ko sa kaniyang room.

"Hello po papa doc," aniya ng makapasok ako sa room niya.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Kurt?" Tanong ko ng umupo sa tabi niya. Kurt is a cancer survivor. At ngayon ang araw na pwede siyang madischarge. He's eleven years old. Tinatawag niya akong papa doc dahil sabi ng ina niya ay isa ring doktor ang ama ni Kurt.

"Good to hear little boy. Anyway, I have a surprise for you." Nakangiti kong sabi.

"Ano po iyon?" Excited niyang tanong.

"Pikit mo muna ang mga mata mo."

Sinunod niya ang utos ko at kinuha ko naman ang paperbag mula sa likuran ko.

"Open now your eyes."

Hindi makapaghintay na binuksan niya ang paperbag at halos manubig ang mata nang masilayan ang laman niyon. Isa itong stuff toy na Squidward na tatlong pulgada ang taas.

"S-sa akin po ba talaga ito?" Aniya tinutukoy ang laruan. Tumango ako bilang sagot.

"T-thank you po papa doc." saad ni Kurt na nakabuklat ang parehong braso na nagpapahiwatig gusto akong yakapin. Nilapit ko naman ang katawan at gumanti ng yakap.

The SeriesWhere stories live. Discover now