When Sun Leaves The Sky

9 0 0
                                    

(Pain Series #4)

"Keana, nasaan ba tayo?" tanong ni Walter, ang best friend ko.

"Basta malapit na," saad ko sa kanya na pinipigilan ang pagtawa.

Nakapiring kasi ang mata niya at ngayon ay nakaalalay ako sa kaniya sa paglalakad upang hindi madapa.

"Huwag mo akong lokohin Keana. Malilintikan ka talaga sa akin," saad niya na naiinip.

'Kailan ba kita niloko?'

"Surprise!" ani ko pagkatanggal ng piring mula sa kaniya. Dinala ko siya ngayon kung saan kami unang nagkita, malapit sa dalampasigan. Nakalatag dito ang isang yellow picnic blanket na may white stripes at isang rattan na basket. Alam kong simple lang ito subalit malaki ng bagay ito para sa amin ni Walter dahil pareho kaming mahilig sa simpleng bagay.

"Wow!Ang ganda," aniya pagkatanggal ng piring," pero wait, anong mayroon?"

Binatukan ko siya dahil sa kaniyang sinagot.

"Bakit mo ba ako binatukan, Keana," saad niya habang hawak-hawak ang parte ng ulo niyang binatukan ko.

"Ganoon ka na ba katanda Walter? Di mo naalala ang friendversary natin," sigaw kong saad sa kaniya.

Natahimik siya subalit agad ding napalitan ang emosyong bumalatay sa itsura niya. Pagkatapos,  nanlaki ang mata at nagtatalon-talon. Hindi pa nakuntento dahil niyakap pa niya ako nang pagkahigpit-higpit.

"Anyare sa'yo? Sinapian ka? Sinapian?" tanong ko sa kanya habang yakap-yakap pa rin ako.

"Happy friendversary din Keana."

"Weh di nga? Hindi mo na limot?"

"Ay totoo nga. Syempre dapat acting muna tayo para kunwari wala akong alam sa pa-surprise mo. Siya nga pala, may gift nga ako sa'yo eh."

"Talaga?"

"Oo naman. Ako pa," nagmamalaki niyang sabi at kinuha ang isang pahaba at pink na box sa bulsa.

"Ang ganda, Walter. Salamat," saad ko na hindi matanggal ang paningin sa binigay niyang regalo. Isa iyong kwintas na ang pendant ay ang mismong pangalan ko.

"Welcome. Umupo na tayo. Nakakapagod kayang tumayo."

Tumango ako bilang sagot at sinunod ang kaniyang sinabi. Kumain ng paborito naming pagkain na street foods, nagkuwentuhan at tinawanan ang tungkol sa kabaliwan namin  ang aming ginawa sa maghapong iyon. Subalit sa kwentuhang iyon ay umabot kami sa usapang hindi ko inaasahan.

"Keana, ang ganda ng sunset," saad niya na kumikislap ang mata.

"Of course naman. The blend of color orange and yellow with the black accent of shadows at the surrounding. It is very captivating." Sabi ko.

"Just like you."

Napalingon ako sa kanyang sinabi at nakatingin din pala siya sa akin.

"A-ano?"

"Just like you." Pag-uulit niyang sabi.

"Because you captivate my mind..." habang turo ang kanyang sentido at dumausdos ang palad sa bandang dibdib, "and my heart. Keana, I think. I'm inlove with you."

'Bakit ngayon pa?'

'Bakit Roven?'

"I  love you Keana," masaya niyang sabi.

Unti-unting nag-unahan sa pagpatak ang aking luha hindi dahil sa galak. Kundi dahil sa masasaktan ko siya. Dahil hindi ko na masusuklian ang pag-ibig na ipinagtapat.

"Why are you crying, baby?" Tanong niya ng akmang pupunasan ang luha kong nagpadungis sa aking mukha. Subalit ito'y aking iniwasan na labis niyang ipinagtaka.

"Oo mahal din kita, Walter," ani ko para maningkit ang kaniyang mata dahil sa tuwa.

"But I'm sorry. I fell out of love, because you can't catch me the time when my heart is shouting for your name," dagdag ko sa sinabi para mapalitan ng mabilis ang emosyong kaniyang ipinakita, "I want to bury my feelings  just like the sun did when it wants to leave the sky, Walter."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The SeriesWhere stories live. Discover now