Just a Coincidence

7 0 0
                                    

(Pain Series #3)

"A-aray!" Saad ko na may pag-iindang sakit sa aking balakang na tumama sa sementadong sahig.

"Tumingin ka nga sa dinaraanan mo! Kung saan-saan kasi tumitingin." Sambit niya at naglakad na palayo.

---

"What the? Tumingin ka nga kasi sa dinaraanan mo!" Bulyaw ko sa kung sino man ang taong nasa harapan ko ngayon dahil natapunan lang naman ako ng hot chocolate na nabili ko sa school canteen at kamalas-malasan puti pa ang kulay ng aking damit. Pinupunasan ko na ng tissue ang kamiseta ko.

"Nice. Ako pa ang may kasalanan."

Napaangat ako ng marinig ang pamilyar na boses.

"Ikaw na naman?/ You again?" Halos magkasabay naming sambit.

"Hoy lalake!"

"Hoy ka din babae!"

'Aba ang lakas ng apog ng lalaki na'to.'

"Tingnan mo nga lagi ang daraanan mo para hindi ka laging nakakabunggo," sambit niya na nakapag-init lalo ng ulo ko. Akma na siyang aalis subalit aking hinawakan ang kanyang braso at siya'y pinaharap.

"What?" Tanong niya na may pagtaas pa ng kilay.

'Wow ha. May nalalaman pang pataas-taas ng kilay. Ahitan ko kaya yan.'

"Eto ang nararapat sa'yo," saad ko bago pinalipad ang aking suntok sa mala-adonis niyang mukha para mabigyan siya ng black eye.

Napangiti ako ng muling maalala kung paanong parehong hindi inaasahang pagtatagpo namin ni Leo. Hindi ko nga alam kung bakit lagi kaming nagkakabanggaan kung saan-saan mang lugar. Siguro tadhana na talaga ang gumawa ng paraan upang magkalapit kami. At ngayon, nandito siya sa aking harapan, nakaluhod at may red velvet box sa kamay.

"Maz. Please di ko alam ang mangyayari sa akin kapag hindi mo ako binigyan ng chance." Humihikbi niyang sabi habang nakayakap sa aking baywang. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Leo, hindi ko  rin kaya kapag pinalampas ko ang pagkakataon na ito," ani ko. Nakita ko naman ang nagniningning niyang ngiti ng marinig ang aking sinabi.

"Iyong nandito ka na sa harapan ko. Nagtatapat na ng totoong nararamdaman para sa akin. Nagsusumamo na makasama mo ako panghabambuhay," pagpapatuloy ko sa pagsasalita. Mas nagdulot pa ng labis na ngiti sa kanya na halos hindi na makita ang mala-Intsik niyang mata.

"But. . . "

Akin siyang itinayo at hinawakan ang magkabilang pisngi na basang-basa ng luha at ito'y pinahid. Pagkatapos, siya ay aking niyakap nang mahigpit na mahigpit.

"I can't have you now," garalgal kong saad at nagsisimula na rin magbagsakan ang aking luha. Gayundin si Erick dahil naramdaman ko ang pagbasa ng aking damit.

"Sapagkat kung kailan hindi na ikaw ang tinitibok ng puso ko, saka mo lang sinuklian ito. Sorry pero hanggang dito na lang ang makakaya ko. Narealize kong sarili ko naman dapat ang mahalin at hindi ko kailangang umasa sa pagmamahal na hindi ako kayang saluhin," ani ko na patuloy pa rin ang pag-agos ng luha, "Maybe, it is all coincidence. We fall in love by accident with connection..... But having connection, as a friend, " dagdag ko sa sinabi at kumalas sa aming yakapan.

The SeriesWhere stories live. Discover now