PATRICK'S HIDDEN FATE

24 1 0
                                    

(Spongebob Squarepants Series #3)

"Tito Rick naman eh. Ba't andaya mo."

Pagtatampo ng pamangkin kong si Shiela. Nandito kami ngayon sa arcades. Iniwan siya muna ng kaniyang magulang sa akin dahil nagkaroon ng urgent meeting ang mga ito. Parehong umiikot ang trabaho ng kaniyang magulang sa negosyo.

"Hindi kita dinadaya Shiela." Sagot ko habang kinokontrol ang machine upang hindi matalo sa larong Tekken.

"Nandadaya ka kaya Tito. Nakarami ka ng panalo. Dapat ako naman." Halos sirain na niya ang controller para lang manalo pero bigo siya dahil ako pa rin ang nanalo.

"Eh Tito ang bad bad mo." Maluha-luha niyang sambit sa akin.

"Oh anong ginawa ko?" Nagpipigil kong tawa dahil baka mas lalo lang umiiyak ang batang ito.

"Sabi mo mananalo na ako. Tapos hindi pa--" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil trinaydor na siya ng kanina pang nagbabadya niyang luha. Napailing na lang ako sa inasta niya.

"Hush now, okay? Sige ka papangit ka niyan."

Akala ko ay titigil na siya pero mas lalong umiyak ang makulit na batang ito.

'Uh-oh, wrong move'

Binuhat ko siya habang pinapahiran ang luhang nagpadungis ng kaniyang mukha.

"Hush now baby girl, okay? O sige. Para hindi ka na umiyak, bibili na lang tayo ng favorite foods at stuff toy."

Bigla naman siyang tumigil at kumikinang ang matang tumingin sa akin.

'Pagkain lang pala ang katapat tsk tsk'

"Talaga po?"

"Opo."

"Kahit talunin mo po ako ngayon nang paulit-ulit sa games, basta bibilhin mo po ang favorites ko." Malaking ngiti niyang sabi at naglambitin pa sa leeg ko.

'Adorable and cutie'

Lumabas na kami ng arcade. Pinuntahan namin muna ang bilihan ng stuff toys at binili ang paborito niyang laruan. Pagkatapos, tsaka lang kami pumasok sa isang kainan.

"Good morning sir. What do you want to order." Nakangiti at halatang nagpapacute na bati sa akin ng kahera.

"Hey miss." Biglang tawag ni Shiela sa kahera. Napalingon naman sa kaniya ito na buhat-buhat ko pa rin. Tinaasan siya ng kilay ng kahera.

"Stop being like that to my tito. You are not his type. Don't you dare raise your eyebrow on me again because I'm his niece."

"Apaka sungit na bata." Bumubulong na saad ng kahera pero halatang nagpaparinig.

"If you want to whisper, make sure that I cannot hear it. Tatandaan ko ang mukha mo. Oh by the way, he is the owner of this mall, get it?" At itinuro pa ako ng maliliit na hintuturo ni Shiela na nagpapahiwatig ako ang tinutukoy niya.

"Ibaba mo na nga ako Tito. Ikaw na lang mag-order. God! She really gives me a headache." Binaba ko naman siya at naglakad siya papalayo sa akin. Nasisiguro kong pupuntahan na niya ang paboritong spot sa loob ng cafe na ito.

'Umatake na naman ang pagiging maldita ng batang iyon. Manang-mana sa daddy niya'

"Pagpasensiyahan mo na lang ang batang iyon, miss. Nasanay lang ganoon." Nakangiti kong sabi nang binalingan ko ng tingin ang kahera. Bakas pa rin ang pagkagulat at talagang makikita mo sa mukha.

"Miss?" Nagpalagitik ako sa harapan niya at doon ko lang nakuha ang atensiyon niya.

"S-sorry po sir. Ano pala ang order ninyo?" Nakangiti siya ulit pero napipilitan na lang. Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

The SeriesWhere stories live. Discover now