Spongebob's Secret

8 0 0
                                    

(Spongebob Squarepants Series #6)

"Nakaiinis naman. Katatapos lang ng long quiz natin kanina, isusunod agad ang Finals sa Wednesday," ani Marie na nakabusangot at ang parehong kamay ay nakahawak sa sling ng bag.

"Kaya nga. Ang hirap talaga ng buhay college," pagsasang-ayon ni Lina.

"Guys, isang taon na lang. Kaya natin ito. Huwag tayong mawalan ng pag-asa," saad ko na nagfist bomb sa hangin.

"Tama. Fighting lang tayo," pagdudugtong ni Kobe sa sinabi ko para mapalakas ang loob ng dalawa.

Kauuwi lang namin sa trabaho. Pare-pareho kaming working student sa isang fast food chain na malapit sa paaralan namin. Pare-pareho ring medisina ang kinuha naming kurso sa pagdating sa college. Magkakaibigan na kami noong junior at senior high school pa lamang.

"Ganito na lang guys. Pakinggan ninyo ang mga jokes ko," saad ki sa kanila na malaki ang ngiti.

"Sige, sige Gale. Nakatatanggal lagi ng stress kapag nagjojoke ka," ani Lina na sinang-ayunan gamit ang tango nina Kobe at Marie.

"Paano mo mapaparami ang bato sa limang segundo?" pagtatanong ko na nakabungisngis sa mga kaibigan ko.

"Huh? Paano ba, Gale?" pagtatanong din sa akin ni Kobe.

"Edi bato, bato, bato, bato, bato, bato, bato, bato, bato, bato, bato, bato," saad ko na tumatawa. Nakitawa na rin ang mga kaibigan ko.

"Ito pa. May dalawang magkaibigan na nanghuli ng isda sa lawa. Ang pangalan nila ay Carlo at Mario. Si Carlo ay hobby niya ang panghuhuli ng isda at si Mario naman ay sumama lang para matuto."

"Oo. Tapos?"

"Tinanong ni Mario kung araw-araw ba doon lagi nanghuhuli ng isda ang kaibigan niya. Sumagot naman ng oo ang kaibigan. Pagkatapos muling nagtanong si Mario."

"Ano naman ang tinanong ni Mario?"

"Nagtanong si Mario kay Carlo kung natutulog ba ang mga isda."

"Ano sabi ni Carlo?"

"Eh kahit kailan wala pa naman akong nakikitang isda na nagdadala ng unan," saad ko at tumawa. Nakitawa rin muli ang mga kaibigan ko

"Kahit kailan talaga, Gale. Lagi kang nakahahanap ng paraan para hindi kami mastress," ani Lina na nakahawak pa sa tiyan na hindi nakatitigil sa pagtawa.

"Tama. Tama," ani Kobe at Marie na kapareho rin ng ginagawa ni Lina.

"Oh siya, dito na lang kami," saad ni Lina ng mahimasmasan. Sumunod naman sa kaniyang likuran si Marie dahil iisang apartment ang kanilang tinutuluyan. Sa kabilang kanto naman ang tinutuluyan naming apartment ni Kobe.

"Sige. Study well sa inyo," pahabol ko pang saad bago sila makapasok.

"Tol, halika na," ani Kobe na inayos pa ang salaming nahuhulog papunta sa tungki ng ilong.

"Mauna ka na, Kobe. May bibilhin pa kasi ako sa grocery store. Ipapadala ko bukas sa probinsya."

"Samahan na lang--"

"Huwag na, tol. Alam ko namang pagod ka."

"Sure ka?"

Tumango ako bilang sagot.

"O sige. Basta mag-iingat ka," saad niya na tinapik pa ang balikat ko.

"Syempre ako pa. Magaling ito sa karate," saad ko na ginaya ang paggalaw ng kamay ni Jackie Chan tuwing nagkakarate.

"Ikaw talaga," aniya na tumawa pa ng bahagya, "Sige mauna na ako."

"Sige, ingat."

Pagkaalis niya ay tinungo ko kaagad ang malapit na grocery store. Hindi iyon kalakihan subalit malinis at maaliwalas ang paligid. Isa akong suki ng tindahang ito dahil bukod sa mabait ang tindera, eh mumurahin ang binebentang stocks ng pagkain.

The SeriesWhere stories live. Discover now