Mr. Krabs' Whale Daughter

21 1 0
                                    

(Spongebob Squarepants Series #3)

"Sobra talaga ang ganda!!!"

"I didn't expect for this beautiful beach."

"Gusto kong bumalik sa lugar na ito."

Iyan ang naririnig ko sa bawat papuring ginagawad ng mga estudyanteng nakasilay sa ganda ng beach na ito.

"Ok students, let's go back to the cottage para maglunch at makapagpahinga. Mamayang hapon babalik na tayo sa school para intact ang pagsundo ng parents ninyo." Saad ko habang nasa likod ko ang aking mga estudyante. Isa akong grade 7 Science teacher sa isang mataas na paaralan ng Pasig City.

"Ma'am sana bumalik po tayo rito. Ang ganda po kasi ng lugar." Wika ng isa kong estudyante na si Rome.

"Oo nga po ma'am. Sulit talaga ang binayad namin para sa fieldtrip na ito." Wika naman ni Jose na isa sa pinakamagaling kong estudyante pagdating sa Siyensya. Sinang-ayunan naman ng iba ang kaniyang sinabi.

"Kung may time kayo, pwede naman kayong bumalik dito. As long as may kasamang parents o guardian for your safety." Sagot ko sa kaniya habang umuupo sa loob ng cottage.

"Since nakita ninyo na ang natatagong ganda ng beach at may connection sa lecture natin. You need to make a flyer na tumutungkol sa beach na maaaring makahikayat para sa mga taong bisitahin ito. Kayo na ang bahalang magpaganda. It is your own way para maging unique ang flyers ninyo. Is it clear to everyone?" aking tanong sa kanila.

"Yes ma'am." They answered in chorus.

"Very good. Mamaya bibigyan ko kayo ulit ng time para mas makakuha pa ng impormasyon about sa lugar. Since mamaya pa tayo babalik sa dagat at hindi pa luto ang tanghalian, you can do whatever you want for now." Aking dagdag sa sinabi at ngumiti.

"Ma'am." One of my students raised her hand.

"Yes, Ms. Bonite."

"Ma'am, what if kwentuhan mo na lang kami gaya ng ginagawa mo sa room. At least may matututunan pa kami." Sinang-ayunan naman ng kaniyang kaklase ang sinabi. Walang na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto nila.

"Ano ba ang gusto ninyong ikwento ko?" Aking pagtatanong.

"K-drama?"

"Anime?"

"Horror movies?"

"Or about Spongebob?"

Naagaw ni Marien ang aking atensiyon dahil sa sinabi niya.

"Can you repeat it Ms. Marien?" At siya'y aking tiningnan na may ngiti sa labi.

"About Spongebob po ma'am." Kaniyang pagsunod sa aking utos.

"Ano ba naman niyan Marien? Pambata tsk." Pagsabat ni Rome sa aming pag-uusap.

"Rome." Aking saad at binigyan siya nang matalim na tingin.

"S-sorry po ma'am." Kaniyang pagkautal at yumuko.

"Say sorry to her."

"S-sorry."

"Ayos lang." Madaling pagpapatawad ni Marien kay Rome.

"Well, that's a good suggestion. But before I start, can you give first the name of the characters that you already knew in Spongebob Squarepants?"

"Ang masayahing si Spongebob."

"Patrick the star."

"Squidward masungit."

"Gary."

Kaniya-kaniyang sagot ang bawat estudyante hanggang sa binanggit na nila ang pangalan ng aking ikukuwento para sa araw na ito.

The SeriesWhere stories live. Discover now