Are You Still My Sky?

11 0 0
                                    

(Pain Series #1)

"The sky is beautiful, right?" aking sambit habang nakatingala sa langit nang nakapikit. Ninanamnam ang malamig na dampi nang simoy ng hangin sa aking pisngi.

"Oo nga ang ganda, Rhea," pagsang-ayon ng lalaking aking katabi.

"Ang malabughaw nitong kulay at mga lumilipad na ibon ang nagbibigay katiwasayan sa aking isipan. Ito ang nagiging dahilan para mas lalo akong mahulog," muli kong saad.

"Baby naman, I'm jealous. Ako lang dapat ang langit mo. Ako lang at wala ng iba. I am your one and only sky," nagmamaktol niyang saad sa akin.

Napailing ako sa iniasta niya. Napamulat ako ng mata sa binatawan niyang salita. Hinarap ko siya at nakita ang kaniyang pagsimangot. Pinagmasdan ko ang nakawiwindang niyang itsura at hinaplos gamit ang aking kamay. Ang mahahabang pilikmata, mala-tskolateng mata, matangos na ilong, kayumangging kutis, napakakinis na mukha, at mapula-pulang labi na hinihipnotismo ako para halikan. Napakagwapong nilalang.

"Baby, huwag ka nang magselos ikaw lang naman ang only one sky ko eh," ani kong nakangiti habang nakakulong sa aking palad ang magkabila niyang pisngi.

"Talaga?" saad niya na kumikislap ang mata tila nakakita ng anghel.

"Oo naman," sagot ko. Niyakap niya naman ako at dinampian ng halik ang aking noo. Nang ginawa niya 'yon, nagbagsakan ang kanina ko pang pinipigilang luha.

"O baby. Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?" Pagtatanong niya nang kumalas sa aming yakapan. Magtatangka na sana niyang pahiran ang aking luha subalit umiwas ako.

"Bakit baby?"

"But the man who told me that he's my only lovely blue sky, makes it gray and pale."

"Anong ibig mong sabihin, baby?"

"Niloko mo ako. Manloloko ka," pahapyaw kong saad.

"Di kita maintindihan baby," pangiti-ngiti niya pang sabi na akala mong wala talagang alam.

"Drop the act, Sky. Matagal na akong nakakikita. Matagal na. Nakita ko kung paano mo ako niloko. Pa'no mo iyon nagawa sa akin, Sky?" Garalgal kong saad at nagpatuloy naman ang pag-agos ng luha sa aking mata.

"S-sorry," kanyang sambit habang pinipilit akong yakapin, "Please stop, Sky," at sinunod naman niya ang aking sinabi.

"Sorry," pag-uulit niyang sabi, "Sorry kasi naaawa ako sa'yo. Alam ko kasing masasaktan ka kapag sinabi ko ang totoo. Mas lalo kang mahihirapan dahil maysakit ka."

"So gano'n? Minahal mo lang ba ako dahil sa awa? Sagutin mo ako,"

"Please let me explain--"

"Hindi ko kailangan ang excuses mo, Sky. Oo at hindi lang naman ang sagot sa tanong ko."

"I-I'm sorry. I was confused on what I feel that time," pabulong niyang saad subalit tamang-tama para marinig ko iyon.

Napatakip ako ng bibig sa kaniyang sinabi. Alam kong ito ang sasabihin niya pero masakit na pala kapag siya na mismo ang nagsabi dahil umaasa ako. Umaasa akong kabaliktaran ang sasabihin niya. Ang masasayang araw magmula na magkakilala kami, ang ligawan, at ang anniversary namin. I didn't expect that we turn like this. Bulag ako ng ligawan ako ni Sky. No'ng una, akala ko wala ng magmamahal sa akin dahil sa kapansanan ko. Everyone judged me because of my disability. Not until Sky came into the scene. Nakilala ko siya ng minsan akong binuhusan ng kapeng mainit ng mga estudyanteng hindi ko sinasadyang natapunan ng juice. Then, dumating si Sky para tulungan ako. Magmula sa araw na iyon, lagi na kaming magkasama. To make the story short, feelings grow on us. Sa panahong ding iyon, nakahanap sina mommy at daddy ng pwedeng magdonate ng mata para muli akong makakita. Hindi ko ipinaalam ang hinggil dito kay Sky at ginawang dahilan ang pagbabakasyon sa Canada kasama ang aking magulang. Namalagi ako roon ng apat hanggang anim na buwan. Gusto ko siyang sorpresahin na nakakikita na ako, pero ako ang nasorpresa ng makita ko siyang may kasamang iba at kalalabas lang nila sa iisang bahay. Pinagtanong-tanong ko kung sino ang babae at nalaman kong ito pala ang dati niyang kasintahan.

"I'm really sorry, Rhea. Please give me another chance."

Tiningnan ko siya sa mata na puno ng galit at pait.

"Chance? Marami kang chance para magpaliwanag noong tayo pa. Marami, Sky. Kung bulag pa rin ako ngayon, sasabihin mo ba na nagkaroon ka ng ibang minamahal kahit may tayo pa?" mapakla kong tanong sa kaniya. Hindi naman siya nakasagot at nanatiling nakatungo. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Siguro ito na lang ang tamang paraan para matigil na natin ang sakitan."

"W-what do you mean?"

"I'm breaking up with you."

"N-no, Rhea. This is a joke, right? Please, baby. Please. Just give me another chance. Itutuwid ko ang tama," saad niya na namamalisbis na rin ang luha sa mata. Kinuha niya ang kamay ko para hawakan subalit iwinaksi ko iyon.

"Please rin Sky. Ayoko na. Ayoko ng masaktan pa kasi ang sakit na. Sana sinabi mo ng maaga para alam ko. Hindi 'yong ganito. Na patalikod mo akong sasaktan tapos kapag nasa harap kita puno ng matatamis na salita ang naririnig ko mula sa'yo. Maiintindihan ko naman, Sky. Kaya kitang palayain para lamang sa ikasasaya mo."

"Baby, I'm really sorry. I still love you."

"No, Sky. You're just now guilty. I am willing to set you free. Don't worry, I won't forget you. You're still my sky even you bring raindrops and storms to me."

At kasabay ng aking pag-alis ay siyang pagbuhos ng malakas ng ulan.

The SeriesWhere stories live. Discover now