Melancholy Captivates My Heart

7 0 0
                                    

(Pain Series #2)

"Hi Kristaine," saad ko sa bestfriend ko.

Napaangat siya ng ulo ng tawagin ko siya mula sa pagbabasa ng libro ng kaniyang paboritong manunulat.

"Napatitig ka naman masyado," pagbibiro ko.

"Asa," saad niya habang inirapan ako at muling ibinalik ang tingin sa libro. Subalit hinablot  niya ang aking pocketbook.

"Seryoso ka ba talagang lalaki ka ha?!" Kaniyang pagtataas ng boses. Ngunit tinawanan ko lamang siya.

"Gusto mo talagang makatikim 'no?" saad niya habang sinusuntok ang hangin.

"Sorry naman di na mauulit," Sabi ko at nagpeace sign.

"Kilalang-kilala mo talaga ako," saad niya. Kinuha naman niya ang pocketbook at muling nagbasa.

"Syempre dahil ayokong maging panda." Sabi ko at pinaalon-alon ang dalawang kilay.

Alam kong pinakikiramdaman niya ang paligid at nagbabasakaling umalis na ako sa harapan niya. Pero nagkakamali siya dahil nandito pa rin akong nakahalumbaba habang titig na titig at ngiting-ngiti sa akin.

"Anong nakain mo?" Tanong niya sa akin habang nakataas ang isa kong kilay.

"Wala."

"Talaga?" Inayos niya ang kaniyang pag-upo at inilapag ang pocketbook sa damuhan.

"Spill it man," dagdag niya at pinag-krus pa ang balikat sa kaniyang dibdib at ngumisi.

"Eh nakita ko na naman siya," pagtatapat ko na alam kong pulang-pula na ang aking  pisngi.

'Parang na akong timang'

"Si Lyka ba?"

Tumango ako bilang sagot.

"Si Lyka lang pala."

"Anong si Lyka lang pala?! Eh si crush 'yon," saad ko na pinagtatanggol si Lyka. Si Lyka ay ang crush ko since elementary at nag-enroll ako sa parehong paaralan para lamang masundan siya.

"Bakit ba kasi di mo pa ligawan?" Tanong niya sa akin.

"Eh sa nahihiya ako," saad ko at napanguso.

"Ay sus. Kapag iyan naagaw ng iba, bye bye ka," pagbibiro niya para bigyan ko siya ng masamang tingin.

"Bawiin mo ang sinabi mo," saad ko na nagpapadyak pa ng paa.

"Ayoko nga," pagtatanggi niya at nagmake face para mas lalo niya akong inisin.

"Bawiin mo kasi, Kristaine," saad ko na binato ko pa siya ng juice na dala-dala ko. Buti na lang at hindi siya natamaan dahil baka hindi na niya ako tulungan.

"Sige na. Sige na binabawi ko na. Actually tutulungan pa nga kita eh."

"Talaga?" Paniniguro ko at tumango siya na may magandang ngiti.

"Oo." Sambit niya at akin siyang niyakap.

Napamulat ako ng mata nang marinig ang pag-ugong ng bapor.

"Ang ganda talaga ng sunset," saad ko na nakatingin sa dagat na pinaghagisan ng abo ni Kristaine.

"Sana nga ganito na lang ang buhay. Kapag sa umaga, hapdi ang dala ng araw sa atin, subalit kapag papalubog na, ang kulay kahel at dilaw nito na sinamahan pa ng itim na anino ng kapaligiran ay nagdudulot ng katiwasayan at karikitan tulad ng iyong mga tsokolateng mata. Sana ganito na lang Kristaine. Sana ganito na lang," ani ko na naglalandas ang luha sa aking pisngi.

Nagsisimula na naman ang pagpunit sa aking mumunting puso. Kristaine is my best friend. Lagi siyang nandiyan para sa akin. Laging sumusuporta kahit puso niya'y nakakubli sa sakit at lihim na umiibig. She chose my happiness rather than hers. Why? Because she donates her heart to my girlfriend who had heart disease. Unfortunately, she cheated on me. I found out that she's having an affair with my brother.

"Why Kristaine? Why you still let me be happy even you are in melancholy? But, when you live in happiness, you let me to live in great sadness which made me fall in love even you're not here anymore," saad ko  habang pinagmamasdan ang pag-akyat ng buwan sa  kalangitan.

The SeriesWhere stories live. Discover now