SEIS [6]

768 12 5
                                    

Chapter Six

KNIGHT'S QUEEN

MAAGANG nagising si Maxine para maghanda sa pagpasok sa trabaho. Lunes na ulit ngayon kaya siguradong marami na namang tao sa restaurant kung saan siya namamasukan.

Actually, kahit hindi naman lunes ay marami pa ring tao sa restaurant.

Midnight restaurant is well known in Asia and in Europe. Six years pa lang ito in industry ngunit namamayagpag na ito sa business world. Kilala ito sa pagseserve ng Spanish and Filipino dishes dahil na rin sa half-Filipino - half-Spanish ang may-ari ng restaurant pero nagseserve rin ang resto ng iba pang klase ng cuisines like Italian, Asian and American Cuisines.

The restaurant is also known here in Japan dahil maraming tumatangkilik ditong mga tao pati na rin mga Hapon at ibang lahi.

Bukod kasi sa masasarap ang pagkain ay maganda ang serbisyo na ibinibigay ng resto sa mga customers. The company always makes sure that the costumers are comfortable and satisfied during their stay at siguradong babalik-balikan nila ang restaurant.

Maxine heard na masyado raw kasing metikuloso at may pagka-perfectionist ang boss nila. Iyon ang sabi ng mga katrabaho niya because she  never met her employer ever since she worked here kaya hindi niya ito personal na kilala. Kahit nga pangalan nito ay hindi niya inalam. Para saan pa? Eh, hindi naman siya pumunta rito para makipag-kilala sa boss niya, nandito siya para magtrabaho at kumita ng pera kaya naman hindi na niya inalam ang pangalan at ang itsura nito, basta ang mahalaga sa kanaya ay ang sahod niya para may maipadala siya sa Pilipinas.

Minsan lang naman itong magawi dito sa branch nila. But she knew that her big boss is a guy at base sa kwento ng mga workmates niya na karamihan ay mga Pinoy din at mas nauna na magtrabaho dito ay isa raw napakasungit, nakakatakot at istrikto raw ang boss namin at palagi pang nakakunot ang noo sa tuwing pumupunta ito dito.

At wala rin daw itong girlfriend.

Palagi raw kasi itong seryoso at parang mangangain ng tao at palaging nakasalubong ang kilay. Kaya naman ilag dito ang mga empleyado. She never had an encounter with her boss though. Ang kanyang executive assistant lang na si sir Alfred ang palagi nilang nakakausap kapag may gustong iparating sa kanila ang boss nila. Palagi rin silang kinukumusta ni sir Alfred kapag nagagawi ito dito. Kaya naman kilala na niya ang isa pa nilang boss.

Hindi rin lingid sa kaalaman ni Maxine ang pagpapalipad hangin ni sir Alfred sa kanya pero hindi na lamang niya ito binibigyan ng pansin dahil ayaw niyang ma-issue at maging laman ng tsismis ng mga katrabaho.

Ang alam lang ni Maxine sa boss niya ay isa itong Villanueva dahil iyon ang pangalan ng company na pinagtatrabahuhan niya.

Ang Villanueva Corporations.

Maxine doesn't want to be associated with wealthy people like him 'though. Ang katulad niyang mahihirap ay hindi bagay makihalubilo sa mga taong katulad nito. Isa iyon sa sakit ng lipunan. Ang mayaman ay para sa mayayaman lang din at ang mahirap ay para sa mahihirap din. Hmp! What an awful society.

Napanguso siya nang biglang may pumasok sa isip niya. Hmmm. Siguro kaya grumpy iyon dahil walang love life at nalipasan na ng panahon. Iyon bang tipong matandang binata. Ha ha ha...

Tawang-tawa Maxine? Bakit may love life ka ba? Note the sarcasm of her bitch mind. Tsk!

Napa-ismid siya dahil doon pero patuloy pa rin ang pag-iisip ng kung anu-ano. Hindi nagpapigil, eh.

FLS1: KNIGHT'S QUEEN |R-18| ON-GOINGWhere stories live. Discover now