BEINTE UNO [21]

757 17 8
                                    

Chapter Twenty-one

KNIGHT'S QUEEN

BADTRIP PA RIN si Knight habang nagmamaneho siya pauwi sa bahay nila ni Maxine sa Yokohama. Yes, he used to call it their home, he just love the thought of him sharing a house with Maxine. A home with Maxine sounds really fucking good. It made him go high. Fuck! Mga anak na lang ang kulang ayos na.

Mga anak... Why do he have this sudden change of heart, huh? Dati-rati ay ayaw na ayaw niya kapag binabanggit na ng mommy niya ang tungkol sa mga bagay na iyon. Ang pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya pero ngayon, kapag naiisip niya ang mga bagay na iyon ay si Maxine agad ang babaeng unang pumapasok sa isip niya. He really got it bad, huh.

Wala iyon sa plano ni Knight dati, ang nasa isip lang niya noon nang sagipin niya ito mula sa mga lalaking humahabol sa dalaga noon ay protektahan ito. Iyon lang. Wala sa plano niya ang akit-akitin ito. Really, Villanueva? Sinong pinaglolo-loko mo?

Tss. Oo na, nasa plano na iyon, pero wala sa plano niya ang mga naiisip niya ngayon katulad na lang ng pagkakaroon ng anak at ito ang magiging ina at ang pagbuo ng pamilya kasama ito.

Like, really? Sa'n nanggaling ang mga bagay na iyon? Or maybe it was in the depth of his mind, the thought of settling down at nagresurface lang ang mga iyon because of her. Because she's the only one who fucking pass his standard for a wife and he didn't even doubt it. Like fuck, why would he, she's really a wife material after all. Lahat ng mga katangian at signs na magiging mabuting ina at asawa ito in the near future ay na-possess na nito at saksi siya roon. Sa halos isang buwan pa lamang nilang pagsasama sa iisang bubong ay alam na niya kung paano ito kumilos sa loob ng bahay. She's very responsible and organize.

Even her schedules of doing the household chores was organized too. Masarap din itong magluto at maasikaso, medyo mataray nga lang kung minsan but it was fine with him. He kind of like it whenever Maxine is raising her brows at him, Knight find it hot and sexy. It's turning him on. Kapag nagtataray ito o kaya ay galit ay may nagagalit rin sa kanya.

Kahit pa nga ramdam niyang medyo naghohold back pa rin ito sa kanya ay hindi pa rin mapigilan ng dalaga na asikasuhin siya. It's very subtle at siguro ay hindi iyon napapansin ng dalaga because maybe it's her nature and it's just a normal act for her but not with Knight. Napapansin niya lahat ng iyon and he appreciates every bit of it. Every bit of her effort. Ang pagpupuyat nito para hintayin siya at ang pagsisilbi nito sa kanya kahit pa nga parang wala lang naman iyon sa dalaga.

Ang swerte siguro ng lalaking pipiliin nitong makasama habang buhay.

Yes, he would be the happiest and luckiest man alive if he's the one she chose to be with for a lifetime. And, yes again. He fucking claiming it that he is that man, Maxine will chose. He will do everything para lang mangyari iyon. Law of attraction ika nga nila. Maxine will be his for a lifetime and he fuckin' claiming it.

Suminghap siya ng may ma-realize.

Jesus! Where did it came from again? Bakit ba pagdating sa dalaga ay kung saan-saan na lumilipad ang isipan niya. At palaging sa future napupunta iyon.

Ugh, Love... What have you done to me?

That woman, ito na lang palagi ang nasa isip ni Knight mapa-araw man o gabi. Nagta-trabaho man siya o hindi. Maging sa panaginip niya ay dinadalaw pa rin siya ng dalaga. Hindi na ito nawala sa isip niya magmula ng araw na makita at maka-encounter niya ito sa sidewalk at magmula noon ay hindi na siya pinatahimik nito.

FLS1: KNIGHT'S QUEEN |R-18| ON-GOINGWhere stories live. Discover now