TRECE [13]

632 16 5
                                    

Chapter Thirteen


KNIGHT'S QUEEN


"YOU know me, tita. Hindi ako mapagsamantalang tao. At bakit ko naman siya sasaktan eh gusto ko nga po siyang protektahan." depensa ni Knight sa sarili.

There's no way na pagsamantalahan niya ang dalaga. His parent's raised him to be a gentleman at may respeto siya sa mga babae dahil ayaw niyang mangyari at gawin din iyon ng mga lalaki sa kapatid niyang babae. Kaya hindi niya ito pagsasamantalahan.

Hindi ganoong klaseng lalaki si Knight. Magmula ng mamulat siya sa makamundong buhay ay natitiyak niyang mabibilang lang sa kanyang mga daliri sa kamay at paa ang mga babaeng nakasex niya. Kahit na marami nagkakadarapa sa kanya ay pinipili niya lang ang kung sino papatulan. He only bedded a woman kung girlfriend niya ito. He's a one-woman man after all. Sa katunayan nga ay hindi na active ang sex life niya simula ng insidente sa resort na iyon. Nawalan siya ng ganang makipagsex because everytime he's doing that ay bigla na lang papasok sa isip niya ang babaeng nakasiping niya five years ago.

At hindi niya rin sasaktan ang dalaga because that's the last thing Knight want to do to her. He just want to get to close to her dahil gusto niya itong mas makilala pa.

"Okay. I hold on to that." His tita Adie said then shrugged.

Binuksan nito ang mababang gate ng bahay at saka pumasok. Sumunod naman siya sa tiyahin. Hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa dati nitong bahay na ngayon ay ang dalaga na ang umu-okupa. Actually malapit lang naman ito sa bagong bahay ng titq niya. It's just two blocks away from their new house.

Nang makapasok sila sa bahay ay agad niyang nilibot ang paningin sa buong sala. It's his first time to enter here simula ng lumipat ang tita niya three years ago. At masasabi niyang namamangha siya sa kanyang nakikita. Napakalinis ng bahay at ang lahat ng mga kagamitan ay nakalagay sa tamang lalagyan. Dati pa rin ang ibang gamit ngunit parang bago pa rin ang mga ito dahil mukhang maalaga at maingat ang dalaga pagdating sa mga gamit. Ang sofa ay kulay gray at may mga throw pillows ng sikat na superhero movie na Avengers. Natawa siya ng bahagya dahil doon, she must be a fan of that movie, huh. Mayroon ding maliit na flat screen TV sa gitna ng sala na nakapatong sa isang cabinet divider na may nakalagay din na maliliit na indoor plants sa bawat partition ng divider.

Kulay puti ang pintura ng dingding at kulay apple green naman ang mga kurtina.

"Jake hijo, dito mo na si Maxine sa kwarto niya." Aya sa kanya ng tiyahin na nasa bungad na ng dating master's bedroom nito.

"Sige po tita." sagot niya naman at saka na naglakad  paakyat sa hindi gaanong kataas na hagdan, siguro nasa pitong baitang lang iyon patungo sa kwarto. Hindi alintana ang bigat ng kanyang buhat. Kung tutuusin ay mas mabigat pa nga ang mga equipment na binubuhat niya sa gym sa kanyang penthouse. Ano bang kinakain ng babaeng ito at ang gaan-gaan?

Tss. Malakas ka lang talaga at malaki ang katawan mo kaya ganoon.

Maingat niyang inilapag sa kama si Maxine na ngayon ay wala pa ring malay. She must be very exhausted because of running. Tangina naman kasing mga gagong iyon.

Inilibot ulit ni Knight ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid. Ganoon din ang kulay ng pintura ng dingding, kulay puti at ang kurtina ay apple green din. May maliit na night stand na diretso na drawer kung saan may lamp shade na may desenyong mga dahon at isang picture frame na ang dalaga ang nasa larawan katabi ang isang lalaki, pareho  nakajersey uniform na kulay puti na may lining na kulay grey at may tatak na PHOENIX sa ibaba niyon na kulay grey din ang lettering ang dalawa. May nakasulat na number 25 sa ibabang bahagi ng lettering sa damit ng dalaga at sa lalaki naman ay may nakasulat na 16 at parehong may underline ang bawat numero, indication na pareho team captain ang mga ito.

FLS1: KNIGHT'S QUEEN |R-18| ON-GOINGWhere stories live. Discover now