OCHO [8]

677 16 0
                                    

Chapter Eight

KNIGHT'S QUEEN

MAXINE stood up on the chair inside the kitchen when she heard the sound of the oven signaling her na luto na ang pastries na bini-bake niya.

It's already ten in the evening at kakatapos lang ng klase niya kani-kanina lang at naghahanda na sanang matulog ang dalaga ngunit maalala niya na may order pala sina Mrs. Chase at Mrs. Yushima na isa rin sa mga kapitbahay niya. Mabuti na lang at hindi pa naman siya inaantok kaya napagdesisyunan niyang ngayon na gawin ang order ng mga ito para wala na siyang alalahanin pa.

She took the newly baked chocolate brownies and butter cookies out of the oven and place it at the cooling rack to cool it down.

Hinugasan muna niya ang mga natirang kagamitan na ginamit sa pagbake. Ang iba kasi ay nahugasan na niya kanina habang naghihintay na matapos ang pagbi-bake. Clean while you work, natutunan iyon ni Maxine sa kanyang guro sa TLE noong high school pa siya.

Pagkatapos naman niyang linisin ang kusina at mahugasan ang mga kagamitan at mailigpit ang kanyang ni-bake na pastries ay pumasok na rin ang dalaga sa kanyang kwarto para matulog tutal ay mag-a-alas onse na rin ng hatinggabi at nakakaramdam na rin siya ng antok at pagod.

Habang nakahiga sa kama ay hindi maiwasan ng dalaga na isipin ang babae sa restaurant.

Kung paano siya nito tingnan, na para bang matagal na siya nitong kilala. Napansin rin niya sa  mukha ng ginang ang kasiyahan at galak na makita siya. Hindi alam ni Maxine pero parang ang weird ng mga actions nito tungo sa sa kanya.

"You can call me tita Andi." sinabi nito iyon sa dalaga na para bang close na close sila nito para gawin niya iyon. Hindi naman kasi sa pagiging hipokrita pero ngayon lang naman sila nagkita at nagkakilala pero gusto na agad nitong tawagin niya itong tita. 'Di ba ang weird no'n?

Baka naman gusto lang makipagkaibigan, Alejandra. Huwag ka ngang praning! bulong ng malditang bahagi ng isip niya na nagpaismid sa kanya.

Sabagay baka gusto lang naman talaga nitong makipagkaibigan kaso naunahan lang ata siya ng pagkalito kaya ganoon.

"Does it ring a bell?" ang sinabi nitong iyon ang mas lalong nagpalito kay Maxine. Why would she ask her that question kung ngayon pa lang naman sila nagkita.

Haist! Ang gulo. Ang weird din. Ano ba yan!

Nakatulugan ni Maxine ang mga iniisip niyanh iyon at hindi niya namalayan na umaga na pala kung hindi niya pa naramdaman na tumatama sa kanyang balat ang pang-umagang sikat ng araw.

Maingat na bumangon ang dalaga at sinipat ang oras sa kanyang cellphone na nasa ibabaw ng side table. It says 5:02 in the morning. Maaga pa naman para sa trabaho.

Inayos muna niya ang hinigaan at tinungo ang banyo sa loob ng kwarto to do her morning rituals.

Pagkatapos ay lumabas na siya nagtungo sa kusina.

Kinuha muna niya sa rack ang i-binake na brownies at cookies. Maxine arranged it in a disposable canister at nilagyan ng sealer pagkatapos lagyan ng takip para hindi malagyan ng dumi. May nakalagay din na munting logo sa ibabaw ng takip na siya mismo ang gumawa. She named it 'Seb&Sab' isinunod niya sa palayaw ng kanyang mga munting anghel.

FLS1: KNIGHT'S QUEEN |R-18| ON-GOINGWhere stories live. Discover now