DEIZ [10]

613 16 0
                                    

Chapter Ten

KNIGHT'S QUEEN


KUNG sinusuwerte ka nga naman.

Iyon ang unang pumasok sa isip ni Knight nang makilala ang dalagang nasa harapan niya ngayon.

Dito lang pala niya matatagpuan ang babaeng halos isang linggo na siyang hindi pinatulog dahil lang sa hindi na ito maalis sa isip niya simula ng makita niya ito sa sidewalk.

Kung alam lang niya na dito lang ito nakatira malapit sa bahay ng tita Adie niya ay sana pala matagal niya ng binisita ang tiyahin dito sa bahay nito para nalaman kaagad niya kung saan ito nakatira. At nang hindi na sana siya napuyat pa ng ilang gabi just by thinking about her and thinking of the ways on how to find her.

Jeez! Bakit ba hindi ko man lang naisip iyon noon?

Hindi naman siya mukhang obsess at desperado 'di ba? Hindi naman siya mukhang creepy?

Tsk! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?

Buti na lang at maaga siyang pumunta sa bahay ng tiyahin para ibigay ang pasalubong na hinihingi nito kay Knight nang pumunta siya sa Spain para kausapin ang kapatid tungkol sa kalokohan nitong pagpapakasal. Kadarating lang ng item na ito kagabi galing Spain. Hindi na kasi siya nagkaroon ng oras na mabili ito nang nasa Spain pa ang binata kaya naman bumili na lamang siya sa online website ng kompanya nagpoproduce nito dahil baka awayin siya ng tita niya kapag hindi niya ito nabilhan. Isip bata pa naman iyon minsan este kadalasan pala.

Imagine, she's already fifty-three years old at may dalawa ng anak pero ang hiningi nito sa kanyang pasalubong ay chocolate na sa isang probinsya o lugar lang sa Spain meron.

Knight decided na ibigay na ito ngayong umaga dahil baka makalimutan na naman niya dahil sa dami ng trabaho sa office. Gusto niya ring bisitahin si Yuki dahil medyo matagal-tagal na rin silang hindi nagkita ng pinsan niya pati na rin ng tiyahin.

Great decision dahil nakita niya ang babaeng isang linggo na niyang sinusubukang hanapin, Knight even waited for her sa place kung saan niya ito unang nakita pati na rin sa grocery store na pinuntahan nito pero hindi na niya nakita doon ang dalaga.

I think this day is my luck.

Pagkapark niya ng sasakyan sa tapat ng gate ng kanyang tita ay pumunta muna siya sa backseat para kunin ang pasalubong.

"Ate Maxine!"

Malapit na si Knight sa gate nang marinig niyang sumigaw si Yuki.

"Ohayo guzaimasu, Yuki. How are you?" anang kausap ni Yuki.

His brows furrowed when he heard those sweet voice. Parang pamilyar ang mahinhin at ubod lambing nitong boses.

And a realization suddenly popped up in his mind. He remember that voice. Oh! Knight will never forget that. Of course! Her sweet melodious voice that keep on playing inside his crazy mind this past few days.

Dali-dali siyang naglakad papasok sa may gate para makumpirma ang hinala at sa hindi malamang kadahilanan ay parang biglang nag-slow motion ang mga bagay sa kanyang paligid.

FLS1: KNIGHT'S QUEEN |R-18| ON-GOINGWhere stories live. Discover now