QUINCE [15]

601 13 0
                                    

Chapter Fifteen

KNIGHT'S QUEEN

MAXINE walked fast to the kitchen para makaiwas sa mga matiim na titig ng lalaking nasa sala lamang nitong bahay niya.

Kanina pagkagising niya ay hindi niya inaasahan na may kasama pala siyang iba dito sa bahay at makikita niya ito sa sala habang mahimbing na natutulog kahit pa nga halatang hindi ito komportable sa posisyon nito dahil sa laki ng katawan nito ay halos hindi na ito magkasya sa couch.

Actually, she already forgot about what happened last night kung hindi niya nakita ang binata  at napagsino and after that, the memories of what happened last night came crashing into her. Ang paghabol sa kanya ng dalawang lalaki, ang pagkakadapa niya at ang biglaang paghablot sa kanya ng isang lalaki patungo sa isang madilim na parte ng daan at ang pagkawala niya ng malay.

Maxine just realized na ito pala ang lalaking humablot sa kanya para mailigtas siya sa mga masasamang loob na iyon. If it's not because of him ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya kagabi. Siguro ay na-hold-up na ako, o kaya naman ay napagsamantalahan at nagahasa na or worse ay isa ng malamig na bangkay sa mga oras na ito.

Biglang nanlamig ang kanyang katawan dahil sa naisip. Salamat talaga ng marami sa lalaking iyon dahil iniligtas siya nito. He's right. Ito nga ang knight in shining armour niya, except for the armour dahil wala naman itong suot niyon kundi ay isang black Giordano V-neck shirt at black maong pants tapos ay pinaresan ng puting loafers. At shit lang ha. Ang gwapo pa rin nito kahit sa simpleng suot lamang na iyon and he looks so freakingly hot and... Shit! balik nga tayo sa usapan dahil kung saan-saan na napupunta ang kanyang kwento.

'Yun na nga, sobra-sobra ang pasasalamat niya sa binata kahit na hindi man niya iyon masabi ng harap-harapan dito dahil masyado siyang naiilang sa paraan ng pagtitig nito kaya dinaan na lamang niya pagsusuplada at pagtataray dito dahil kung hindi ay baka kanina pa siya bumigay dahil sa kaba at panlalambot ng mga tuhod niya. She's strong and intimidating outside, calm and collected but she's melting deep inside. His intense stares at her were causing havoc to her system. She also felt weird inside her stomach kanina na para bang may malilikot na paru-paro doon na gustong kumawala.

Damn, the effect of that man to her is bothering her in some ways.

Ang gwapo ba naman ng lalaking kaharap niya partida pa na bagong gising lang ito ay nagsusumigaw na agad ng kagwapuhan at sandamakmak na sex appeal ay hindi ka ba naman panlalambutan ng mga tuhod at panindigan ng  balahibo.

She was lying kanina when she said that he's far from being her favorite wattpad character and he's not handsome and has a good body built para maitago ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa sinabi nitong favorite character niya ito. He has all the quality and characteristics ng wattpad character na iyon in terms of physical appearance, parang mas lamang pa nga ito eh. Maxine think he is her portrayer of him na. Pero hindi niya sasabihin iyon dahil baka mapagkamalan pa siya nitong may gusto dito at lumaki pa ang ulo nito.

He's indeed her knight. Iyon ang hindi mawala sa isip niya.

At iyon na din ang pinoproblema niya dahil nailigtas man siya nito sa mga masasamang loob kagabi ay parang mas nanganib naman si Maxine dito kasi nga itong pesteng puso niya ay iba ang nararamdaman sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata. There's something in his eyes that she can't even name.

Parang... Ewan, basta! Hindi niya mawari ang sarili niya. Nababaliw na ba siya? May sakit na ba siya sa puso? Kasi nagiging abnormal ang pintig niyon kapag malapit lang ang binata sa kanya o kaya naman ay tinititigan siya. And this thing is very new to her and she doesn't know how she can handle this. Bahala na.

FLS1: KNIGHT'S QUEEN |R-18| ON-GOINGWhere stories live. Discover now