DOCE [12]

626 17 1
                                    

CHAPTER TWELVE

THE KNIGHT'S QUEEN

NAGMAMADALING maglakad  si Maxine sa daan pauwi dahil medyo ginabi na siya ng out sa trabaho. Marami kasing costumer ngayon sa resto at nagkaroon pa sila ng catering sa isa sa mga VIP room dahil mayroong ginanap na party doon ng mga empleyado ng isang kompanya kaya naman late na siyang nakalabas at medyo pagod na rin.

And damn it. May pasok pa siya ng alas syete at magsisix thirty na. Shit. Siguradong na siya neto. Importante pa naman ang idi-discuss sa kanila ngayon ng professor dahil tungkol iyon sa gagawin nilang final research na requirements sa mga katulad niyang graduating.

Mas binilisan niya pa ang paglakad upang mabilis na makarating. Malapit lang ang restaurant na pinagtatrabahuhan niua kung nasaan ang apartment na tinutuluyan niya ngunit nababahala siya dahil madilim na sa daan. 'Though mayroon namang mga street lights, natatakot pa rin siya dahil mag-isa lang siyang naglalakad at kanina niya pa nararamdamang parang may sumusunod sa kanya simula pa kanina. Mas binilisan pa ni Maxone ang mga hakbang kasabay ng pagbilis ng tahip ng kanyang dibdib dahil sa kaba.  God! Pasimple niyang nilingon ang mga lalaki at nakita niyang binilisan din ng mga ito ang paglakad. Inihanda niya ang sarili para sa pagtakbo. Damn. Sana naman hindi nila ako maabutan.

Napakamalas naman, oh. Tumakbo siya ng mabilis pagkatapos huminga ng malalim kahit na nanginginig na ang kanyang mga tuhod. Ang kanyang dibdib ay abot-abot ang tahip na halos hindi na niya mahabol ang sariling hininga.

Shit! You can do it, Alejandra. You can do it. Athletic ka dati kaya kaya mo silang matakasan. Just run faster.

Nilingon niya ulit ang dalawang lalaki at napamura sa isip dahil mabilis na din itong tumatakbo. Dahil sa paglingon niya ay may natapakan siyang maliit na bato na naging dahilan ng kanyang pagkatapilok at bumagsak ang kanyang kanang tuhod sa daan na sementado. Shit. Ang sakit. Siguradong mamamaga ito and worst is baka may gasgas pa dahil suot niya pa ang kanyang uniform dahil nga late na siyang nakapag-out kaya hindi na nakapagbihis.

Kahit na ramdam ang pagkirot ng mga tuhod ay sinubukan pa rin ni Maxine na makatayo. Nangangatog na ang kanyang tuhod sa kaba ngunit pinilit niya pa ring tumakbo upang makalayo sa mga ito. Malapit na din naman siya sa bahay. You can do it, Max. It's only five houses away from your house. Run faster.

Muli siyang lumingon sa mga lalaki at nanlumo rin ng malapit na siya nitong maabutan. Naiiyak na siya, sa totoo lang. God Please, tulungan niyo akong makaligtas sa mga taong humahabol sa akin. Please help me. Tahimik na panalangin ni Maxine. Gusto na niyang maiyak dahil sa halo-halong emosyong kanyang nararamdaman. Kaba, takot at sakit dulot ng kanyang sugat sa tuhod. Sumasakit na rin ang kanyang bukong-bukong dahil sa pagkatalisod. Tiyak na mamaga ito kinabukasan, iyon ay kung abutan pa siya ng bukas.

Shit, bakit ba kasi nila siya hinahabol. Ano bang kailangan ng mga ito sa kanya. Hindi naman niya ang mga ito kilala at wala naman siyang masamang ginagawa sa mga ito. Oh God please, help me. I need you now. Sana naman ay may dumating na tagapagligtas at iligtas siya sa mga goons na ito, please. She need her knight in shining armour now.

"Hey you, stop!" sigaw ng isa sa mga lalaking humahabol kay Maxine. Gago, why would she stop? E di naabutan siya ng mga ito. Tangek!

Pinagpatuloy niya lang ang pagtakbo at napatili ng may biglang humila sa kanyang braso at dinala sa medyo madilim na bahagi ng kalsada. Doon sa walang street lights at may mataas na halaman.

FLS1: KNIGHT'S QUEEN |R-18| ON-GOINGWhere stories live. Discover now