44

100 9 6
                                    

heder_wonders we spend the night together, again

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


heder_wonders we spend the night together, again. hindi naman yun nakakapagtaka kasi madalas naman siya tumatambay dito samin. lalo na't kung wala ang mga parents niya.

nanood lang kami ng movie at nagkwentohan. we cuddle, i could feel the intimacy of our position. inaamin ko kinikilig ako, but pinipigilan ko kasi wala naman to para sakanya. sa pagkatapos ng movie, napagdesisyonan namin na matulog na.

this time sa guest room na siya natulog. hindi agad ako nakatulog kasi madami akong iniisip. iniisip ko kung paano kaya kung maging kami? paano kaya kung umamin ako? may pagtutunguhan ba? kami parin ba sa huli? siya parin ba ang makakasama ko habang buhay? madaming tanong na kailan man hindi masasagot.

natawa nalang ako sa sarili ko kasi maski ako alam ko na malabong mangyari ang lahat ng yun, sobrang labo.

matutulog na sana ako pero hindi natuloy kasi umulan. pinakinggan ko lang ang pag-agos ng ulan. pinipilit kung matulog pero kahit anong pilit ko hindi talaga ako makatulog. kasi natatakot ako lalo na't sinasabayan din ito ng malakas na kulog. gusto kung pumunta sa guest room pero pinigilan ko ang sarili ko dahil sa ayaw kung istorbuhin ang tulog niya.

ibinalot ko nalang sa sarili ko ang kumot. pero nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

dumiretso siya sa tabi ko at humiga. he wrapped his arms around me at siniksik niya ang mukha niya sa liig ko.

"c-chess" pagtawag ko sakanya kahit na hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kapag sumagot siya sakin.

"hmm?" he replied.

"wala." hindi na siya sumagot pero hinigpitan niya ang pagyakap niya sakin. bumalot samin ang katahimikan. bumigat na ang paghinga niya,  pahiwatig na nakatulog na siya.

rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. napangiti nalang ako sa sarili, i really appreciate his gestures. pero minsan hinihiling ko nalang na----sana hindi siya ganito ka sweet sakin. kasi mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

pero nasa akin din naman yun eh, desisyon ko naman na mahulog sakanya. hindi niya naman intensiyon na pahulugin ako sakanya. after all, kasalanan ko din naman. kasi binibigyan ko ng matibo lahat ng mga pinapakita niya.

tsk, marupok ako at aminado ako. yinakap ko nalang din siya at natulog na. at para malinawan kayo, walang nangyari. may suot siyang damit kagabi. nagulat nalang ako nung pag gising ko wala na siyang damit.

* pero sana nga may nangyari eh :< charot lang, ang harot ko na HAHAHAHAHA

_________________________________


jaijjj note: hi!

Eighteen (Falling Flower Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon