163

42 7 0
                                    

Sinigurado ko munang walang ibang tao sa hallway bago ako lumapit kay Michael

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sinigurado ko munang walang ibang tao sa hallway bago ako lumapit kay Michael. Delikado na baka ma report ako sa office nito. Class hours pa naman ngayon.

Hawak ko parin ang turon at juice na binili ko nang lumapit ako sakanya.

“Hoy!” 

Hinampas ko sa likod si Michael ng makalapit ako. Napasigaw ito sa sakit. Inis siyang lumingon sa akin pero ng makita niya ako kumunot ang noo niya. 

“Ano ginagawa mo dito? Nag cutting ka noh?” tanong niya sakin. 

Naunahan niya ako, shuta. 

Hindi ko siya pinansin sa halip tinanong ko lang din siya ng pabalik. 

"Ako dapat ang magtanong niyan sayo! Ano ginagawa mo sa clinic? May sakit ka ba?" 

Umiling siya sa akin. 

"Hindi may inasikaso lang," medyo may alanganin niyang sagot. Iniwas niya pa ang tingin sa akin. 

Tinitigan ko siya ng mabuti. May nililihim ba siya sa akin?

"Ano tinitingin-tingin mo dyan?" Naiilang niyang tanong.

"May tinatago ka ba sa akin?" Akusa ko sakanya. Natawa siya sabay kamot sa batok. 

"P-Pinagsasabi mo diyan? Wala kaya," 

He glanced at me "Si ano kasi,"

Sinong ano?

Parang tanga naman to si Michael. Pabebe ampota. Humina kasi ang boses, parang siyang buang. 

"Ano?" 

Hinintay kung ipagpatuloy niya ang sasabihin niya. Kaya naman mas lumapit ako sakanya para marinig ko ng mabuti ang sasabihin niya at para madaliin niya rin sa pagsabi sakin. 

"Si Chester," 

Tila naalerto ako noong binanggit niya ang pangalan ni Chester. 

"Ano nangyari?" Agaran kung tanong. 

Tumitig muna siya sa akin ng ilang segundo bago napabuga ng hangin. Dumaloy sa sistema ko ang pag-aalala kay Chester. Nag-aalala ako baka ano na ang nangyari sa kanya. Hindi mawawala ang pag-aalala ko sa kanya kahit na pinutol ko na ang pagkakaibigan namin. 

I still care and I will always do, even if things are not the same anymore.

"Sinumpong ng allergy niya kasi kumain siya ng shrimp."

"Ano? Bakit siya kumain kung alam niya namang allergic siya sa pagkain na yon! Nababaliw na ba siya?" Inis kung pahayag. 

Nakakainis naman kasi siya. He knows na bawal siya sa pagkain na yon pero kumain parin siya. Gusto niya ba mamatay kasi kung gusto niya ako na mismo papatay sakanya. Tangina yan.

"Napilitan lang siya kasi nahihiya siyang tanggihan si," 

Hindi pa natapos ni Michael ang sasabihin niya pero sumabat na ako dahil sa inis. 

"Sinong hampaslupang nagpakain sakanya ng ganun kasi susugorin ko." 

Nanlaki ang mga mata ni Michael dahil sa sinabi ko. Kinagat niya ang labi niya tila parang nagpipigil tumawa. 

"Bwesit naman, sana nagtanong muna siya kung pwede ba kumain yung tao, bago niya pinakain ng ganun." 

Nakakainis talaga!

Sa ilang taon naming magkaibigan kahit kailan man hindi namin pinakain ng ganun si Chester kasi alam namin na bawal yon sakanya. Iniingatan namin ang gagong yun tapos ngayon mababalitaan ko nalang na naghihinalo na siya?!

Kung patayin ko kaya ang silang dalawa ng nagpakain sakanya ng ganun? 

"Kumalma ka nga. Baka tuluyan ng sumabog yang puso mo sa inis."

Umirap lang ako kay Michael ng sabihin niya yon. May dumaang student sa tabi ko kaya naman umusog ako para makadaan ito. Pumasok ito sa loob ng clinic kaya naman dumungaw ako sandali. 

Nagbabasakali na sana makita si Chester. Pero hindi ko ito matanaw.

"Nasa sulok siya nakapwesto. Bakit ka ba dumudunggaw diyan? Pwede mo naman siya bisitahin sa loob."

Binalik ko ang tingin kay Michael. Malungkot akong ngumiti at umiling sakanya. 

"Ayaw ko, baka may makakita sa'kin." 

"Teka sino ba nagbigay sakanya ng pagkain? Sabihin mo na nga para naman masugod ko na. Tangina tagal naman." 

Napailing siya bago sumagot "Si Quin nagbigay sakanya,"

Kumulo ang dugo ko sa naging sagot niya.

What? Hindi ba alam ng girlfriend niya na allergic siya sa ganun pagkain? Basic information lang yun pero dapat alam niya! Girlfriend siya ng tao pero siya mismo naglalagay nito sa panganib. 

"Bago ka sumugod, hindi alam ni Quin na allergic si Chester kaya yon ang binili nito kaninang lunch. Tanga rin kasi ng kaibigan natin, hindi sinabi sa jowa niya na bawal siya kumain ng shrimp."

I heavily sighed. 

Ganun naman pala.

Ang dami ko ng sinabing masama dito tapos hindi ko naman alam ang buong storya. Bakit ba ako umaakto ng ganito. Nakakainis kasi I sound like i know everything when in fact hindi naman lahat. 

"Is he,"

Nahihiya akong magtanong ulit. Baka mahalata na din ni Michael na hindi kami okay ni Chester.

"Is he okay now? Nandiyan din ba si Quin sa loob?" 

Why do I have the sudden urge to visit him inside? Gusto ko siyang makita kahit ilang sandali man lang pero at the same time I'm also scared.

Natatakot ako kasi kahit isang beses hindi ko pa nakakausap si Quin. Hindi ko pa napakilala ang sarili ko sakanya. 

"He is okay na. Namamaga lang ang mata niya tapos may rushes but rest assured okay na siya. And speaking about her, wala siya sa loob."

"Hindi sinabi ni Chester kay Quin na nasa clinic siya kasi ayaw niyang mag-alala at mag self blame ito." 

Oh…

Should I visit him then? Kahit sandali lang. 

Or 

Huwag nalang kasi baka kainin ko na naman ang mga sinabi ko sakanya noon. 

_____________________________

Eighteen (Falling Flower Series #2)Where stories live. Discover now