173

61 7 13
                                    

Tinignan ko ng masama si Fletcher ng tinawag niya si Michael

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

Tinignan ko ng masama si Fletcher ng tinawag niya si Michael. 

Bwesit talaga ng lalaking to. Kanina pa namumuro. Kung hindi ko lang talaga to kaibigan siguro kanina ko pa to inupakan. Kainis.

Tumingin ako gawi nila Michael at nakita ko silang papunta na sa pwesto namin. Nakasunod lang si Heather kay Michael. Nasa cellphone lang ang tingin niya. Halatang hindi niya pa napapansin na papunta sila sa gawi namin. 

"Tanginamo chester,"

Mura ni Michael ng makita niya ako. Doon na din itinaas ni Heather ang tingin niya. Umiwas siya ng tingin nang nagtama ang mga mata namin. Binalik ko nalang din ang tingin ko kay Michael na nasa harapan ko. 

"Nandito ka lang pala!" Hinampas ako ni Michael sa likod kaya napaubo ako.

"Aray gago!"

Lalabas pa yata ang lungs ko sa sobrang lakas ng pagkahampas niya. 

Binati ng mga kasama ko si Michael. Kilala na nila si Michael kasi minsan na rin namin siyang nakasama sa gala. Pero si Heather hindi pa nila ito kilala. Bukod sa nakikita lang nila ito sa school hindi nila kilala ang totoong ugali nito. 

"Saan kayo galing pre?" Tanong ni Fletcher kay Michael.

Akala ko aalis na sila Michael pagkatapos nilang mag batian pero nagkamali ako. Tangina pinaupo nila ito kaya ang resulta magkasama na kami sa isang table!

At worst pa kaharap ko si Heather! 

Tangina nalang talaga. Gusto ko sumigaw ng mga masasamang words. Gusto ko rin sapakin si Fletcher kasi ang siraulo niya!

Kala ko ba ayaw niya kay Michael? Bakit parang gustong gusto niya na ito ngayon. Umiba yata ang ihip ng hangin pota.

"Galing kami National Bookstore." Sagot ni Michael na tinaguan naman ni Fletcher. 

Sinulyapan ko si Heather at nakayuko lang ito habang kinakain ang pagkain na inorder nila. Nakatago ang isang kamay nito sa ilalim at alam ko na kung ano ang ginagawa nito.

She's scratching her palm.

Ganyan ang ginagawa niya kapag napapaligiran siya ng mga lalaki. Ayaw niyang napapaligiran siya sa mga lalaki kasi pakiramdam niya hindi mapagkakatiwalaan ang mga lalaki. 

"Pakilala mo naman kami sa kasama mo." Gavin said. 

Sabay sabay namang lumingon ang mga kaibigan ko kay Heather. Umiwas agad ako ng tingin ng tumingin si Heather sa gawi namin ni Gavin.

Katabi ko kasi si Gavin. Tangina naman ng lalaking to. Pwede bang manahimik nalang siya? Nakakainis lang kasi hindi ba nila nararamdaman na hindi komportable si Heather? 

"Si Heather pala, kaibigan ko." Pakilala ni Michael noong hindi magsalita si Heather. Nagpakilala naman ang mga kaibigan ko at ngumiti lang si Heather sa kanila. 

She looked at me. Parang may hinihintay itong sabihin ko. 

Kahit ayaw kung magsalita wala na akong magawa kasi isang tingin niya palang alam ko na agad kung ano ang pinapahiwatig niya. 

Gusto niya rin akong magpakilala para hindi mahalata ng mga kasama namin na magkakilala kami. 

I sighed before I introduced myself. 

"I'm Chester, nice meeting you." Ngumiti ako ng konti habang nagpapakilala sa kanya. 

She nod and forced a smile to me. Umiwas na ulit ito ng tingin. 

May mas ikakasakit pa pala sa huli naming pag-uusap. Mas masakit pala ang umaktong hindi kami magkakilala sa harap ng iba. 

Pero wala akong magagawa kasi kagustuhan niya mismo ang lahat ng ito. We're hiding something between us that only the both of us know. 

Hahaha edi ouch nalang.

"Schoolmate ka namin diba?" Tanong ni Dylan. 

"Oo," mahina niyang sagot. Halata rin na nahihiya siya sa atensyon na binibigay nila Dylan. 

"Mag jowa kayo ni Michael?" Muntik na akong masamid sa naging tanong ni Gavin. Nagulat naman sila at ang ilan sa kanila nataranta. 

Putangina! 

Lumabas sa ilong ko ang iniinom kung iced coffee!

Ang sakit para akong na nosebleed pero ang kaibahan lang, kape ang lumabas sa ilong ko imbes na dugo! 

Inabutan ako ni Heather ng tissue hindi ko sana yon tatanggapin pero hinawakan niya ang kamay ko at sapilitang binigay sa akin ang tissue.

"Nangyayari sayo gago?!" Natatawang tanong ni Vince sa akin. 

Depota imbes na tulungan ako pinagtawanan lang ako ng bwesit. Imbes na sagutin siya iba ang sinagot ko sakanya.

Alangan naman sabihin ko nagulat ako sa sinabi ni Gavin?! Edi magmumukha akong tanga kung sasabihin ko yon. 

"Ang sakit ng ilong ko." Sabi ko. 

"Sasakit talaga yan. Pinainom mo ng kape ilong mo eh!" Tumatawang sabat ni Dustin.

Tinignan ko lang sila ng masama kaya mas natawa sila. Inasar pa nila ako pero hindi ko sila sinasagot kasi nahihiya rin ako kay Heather!

Nakita niya mismo ang kahihiyang ginawa ko kanina! 

Alam kung natatawa siya sa akin kasi kanina ko pa napapansin na kinakagat niya ang labi niya. Tila nagpipigil ng ngiti. 

Kagatin ko siya eh!

"Siraulo, kakasabi ko palang na kaibigan ko lang si Heather." Sagot ni Michael kay Gavin. Para din kasing tanga si Gavin. Hindi kasi nakontento ang gago. Inulit pa kasi nito ang tanong niya kanina.

Inasar nila si Michael at todo tanggi naman ito. Napatingin na ako kay Heather. 

Bakit parang hindi niya tinatanggi ang akusasyon ng mga kaibigan ko kay Michael? 

Namumula ang pisngi nito at may mga konting ngiti rin sa labi niya. 

May gusto ba siya kay Michael? 

Napailing nalang ako at natawa sa sarili. 

Hindi nga malabong magkagusto siya kay Michael. Malapit rin sila sa isa't-isa. Hindi rin nakakapagtaka kasi mabait rin naman si Michael. 

Maalalahanin, mapagmahal at may respeto sa babae. 

Hindi malabong hindi siya magustuhan ni Heather. Lalo na't ganyan ang mga tipo ni Heather sa lalaki. 

At sa lahat ng characteristics na yon hindi ako pasado. 

Sobrang layo ko at malabong papasa ako.

_____________________________

Eighteen (Falling Flower Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें