54

108 11 5
                                    

"bakit naka palda ka?!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"bakit naka palda ka?!"

pasigaw niyang tanong sakin ng makababa ako ng hagdan.

"ano naman ngayon kung nakapalda ako! tsaka ano ba pake mo? duh, kung naiingit ka magpalda ka rin" umirap ako sakanya

"tara na." lumabas na ako ng bahay. wala kasi sila Mama ngayon at hindi ko naman alam kung saan lumalapo yung kapatid kung mukhang witch.

pagkalabas ko hindi ko nakita yung sasakyan niya. huwag mung sabihin maglalakad kami? pota, ano kami chester and heather the explorer? mygosh magkaka wrinkles ako nito eh.

lito akong napatingin sa kanya ng dumiretso ito sa motor na nakaparada sa harapan ko.

"ano yan?"

"bobo ka? edi motor." nakadalawang bobo na to sakin ha. medyo nakakahurt na.

"dali ka nga dito." pumunta ako sa harapan niya. tinanggal niya ang jacket na suot niya at tinali sa bewang ko.

sobrang lapit niya samin. para tuloy kaming magkayakap kung titignan. naamoy ko din ang pabango niya. tinakpan ko ang ilong ko kasi-----

pucha, baka kagatin ko siya sa sobrang bango niya. nakaka distract ang amoy niya.

"bakit ba kasi kailangan mo pang mag palda. sino ba pinopormahan mo?"

ikaw pinopormahan ko, rawr.

"ano gusto mo maghiram ako ng damit kay manang? duh, mag-isip ka nga. magmumukha lang akong alalay mo niyan eh. tsaka ang pangit ko kaya tignan kapag ganon susuotin ko"

isinuot niya sakin ang helmet at tinignan ako ng diretso sa mata.

"maganda ka naman kahit na pang manang pa yung damit mo."  marahan itong ngumiti sakin. naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko kaya napaiwas agad ako ng tingin.

heather sampalin mo nga sarili mo. para yun lang kinilig na ako agad. marupok ko talaga.

"dali na, sakay kana." umangkas na ako at inalalayan niya naman ako. pagkasakay ko pinulupot niya agad ang mga kamay ko sa bewang niya. kaya nakayakap na ako sa kanya.

jusko, parang hindi ako aabot sa distinasyon namin hihimatayin na ako.

"kumapit ka ng mahigpit ha. huwag kang bumitaw." tumango nalang ako kahit na hindi niya ako nakikita. kailangan kung kumalma. sobrang lakas na ng heartbeat ko.

~~~~~

kasalukuyan kaming kumakain. ang kupal kaya pala binubulabog niya ako kasi gusto niya lang pala samahan ko siya kumain. pero okay na rin, libre niya naman eh.

napatigil kami sa pag-uusap ng may lumapit saming babae.

"Um--- hi" inipit nito ang buhok niya sa tainga. tinignan ko naman ang kabuohan niya, well over all maganda suot niya. hindi nga lang bagay sa mukha niya.

"hello." nakangiting bati ni kupal sakanya.

wow! unbelievable. sa harap ko pa talaga lumalandi tung kupal na to.

"ano kailangan mo?"

"ano--- kanina pa kita tinitignan kasi i find you handsome and i don't want to lose this opportunity to ask your number." pabebe nitong sabi. inabot niya pa ang telepono niya kay Chester.

napanganga ako sa sinabi niya. ang confident ni ate girl. sana lahat. pero shit niya ha. hindi niya ba ako nakikita?

"ahh miss--" sumulyap si chester sakin kaya inirapan ko ito. umiwas nalang ako ng tingin sakanila at nag scroll nalang sa cellphone.

"actually, I'm on a date." napatingin ako sa kay chester.

i was caught of guard when i saw him smiling at me.

"huh? date to?" singgit ko sa usapan nila. pinanlakihan naman ako ng mata ni chester

"ahh date" napatingin agad yung babae sakin at tinaasan ako ng kilay.

wow attitude ka te? gusto mo makatikim ng sampal? willing akong ipatikim sayo palad ko. tinaasan ko din siya ng kilay. ano akala mo magpapatalo ako sayo? duh, mukha kang tae.

"yeah date, and you're interrupting our date." pagtataray ko. umiwas siya ng tingin sakin at yumuko.

"ahh ganon ba, I'm sorry" nahihiya nitong sabi at nagmamadali ng umalis sa harapan namin.

"ang galing mo talaga baby, tinaasan mo lang ng kilay tumakbo na agad. hayst kaya love kita eh."

pinisil nito ang pisngi ko. kaya kinurot ko naman ang kamay niya.

"Aray ko, ang sakit." daing nito. inirapan ko siya ay kumain nalang.

____________________________________

Eighteen (Falling Flower Series #2)Where stories live. Discover now