52

93 11 3
                                    

"sige na pleaseeee

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.


"sige na pleaseeee. samahan mo na ako."

kanina pa ako kinukulit ng kupal na to. gusto niya kasing magpasama sakin. ewan ko kung saan, wala naman siyang sinasabi na lugar kaya ang sarap batukan ng kupal na to.

kakasabi ko lang kanina na hindi ko siya papansinin pero heto ako ngayon kaharap siya. pinagloloko ko na talaga sarili ko. isa akong fvcking clown.

"ano ba chester! isa nalang isasampal ko na sayo tung walis." na bwebwesit kung itinaas ang walis na hawak ko.

bakit ba kasi pinapasok to ni yaya nelia. di ko nga sinasagot tawag niya para hindi niya ako gulohin.

"bakit ba kasi ayaw mung samama sakin?" pumapadyak niyang tanong. baliw na talaga.
baliw sakin, char lang.

"Animal ka, kita mo namang busy ako sa paglilinis ng bahay oh!" inilapit ko ang walis na bitbit ko mukha niya. dali-dali naman siyang umiwas sakin at sinamaan ako ng tingin.

aba siya na nga may kailangan titignan pa niya ako ng masama. inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagwawalis.

manigas ka diyan. ilang araw kang walang paramdam sakin tapos ngayon magpapakita ka na ulit kasi kailangan mo ng kasama. ano ako? bodyguard?

"Heather demonyita ka talaga! ang dumi ng walis niyo tapos ilalapit mo pa sa mukha ko. gusto mo siguro makatikim ng halikan eh!"

"gusto mo din ba inudnud ko yang mukha mo sa sahig namin?" pagbabanta ko.

gago naman kasi ang offer niya mga bhei, nakaka tempt parang gusto ko mag go. hay nako heather, ang harot mo girl. huwag kang marupok. dapat maging pabebe ka din paminsan-minsan.

"ikaw talaga hindi ka naman mabiro--- sige na heather baby ko, samahan mo na ako." nakangusong sambit nito.

"hindi ka ba marunong umintindi? kita mo naman na busy ako. madami pa akong lilinisin, kaya pwede ba lumayas kana dito animal ka!"

hinagis ko sakanya ang bimpo na ginamit namin panglinis sa furniture. umilag ito kaya hindi siya natamaan. ang sad, with love ko pa naman yung hinagis sa kanya. parang inilagan niya na din ang pagmamahal ko.

"boba! bakit ka ba naglilinis diyan!? baka nakalimutan mo hindi ka naman naglilinis ng bahay. may maid naman kayo. alam mo, minsan yang mga palusot mo bulok."

pota, wala talaga akong kawala sa kupal na to. ayaw ko kasi sumama sa kanya. kaya umarte akong naglilinis kahit sa totoo hindi naman ako naglilinis ng bahay.

hindi nga ako sumama kay Michael kasi tinatamad ako tapos itong kupal na to todo pilit sakin na sumama sakanya.

"pesticides ka! oo na, sandali magbibihis na ako." padabog kung binitawan ang walis. natamaan naman siya sa paa kaya napahiyaw ito sa sakit. taranta naman akong tumakbo papunta sa kwarto.

"you little devil!" pahabol niyang sigaw sakin.

~~~~~

Eighteen (Falling Flower Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum