143

41 6 1
                                    

Habang nasa byahe sila Michael never mentioned Chester's name

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang nasa byahe sila Michael never mentioned Chester's name. Kating kati na tanongin ni Heather si Michael kung  nasaan ang isang lalaki pero pinigilan niya lang. 

Simula noong sinamahan siya ni Michael sa beach nangako siya sa kaibigan niya na kakalimutan niya na ang nararamdaman niya kay Chester. Kahit mahirap pipilitin niya kasi she doesn't want to be the reason kung bakit masisira ang pagkakaibigan nila. 

Wala sa plano ang pagbabakasyon niya sa Japan. It was a rushed decision that she made. Noong gabing yun wala siyang ibang nararamdaman kundi ang pagiging disappointed at broken. 

She's disappointed with herself. Pakiramdam niya wala siyang nagawang tama kasi hindi man lang siya nakaamin kay Chester. Hindi siya nakaamin sa taong matagal niya ng gusto. Nasayang ang chance niya and out of disappointment she decided to run away from everything. 

She decided that starting from that night she wouldn't talk to Chester. She blocked him in social media and kung pwede lang din pati sa buhay niya gagawin niya pero impossible ito lalo na't magkapitbahay lang sila. 

Nagkamustahan lang sila sa byahe ilang araw din kasi nilang hindi nakita si Heather. Pagkarating nila Heather sa bahay napagpasyahan nilang manood ng movie. Naabutan nila si Felicity at Lance sa sala, gumagawa ng assignments. 

"Ate!" Tila gulat na saad ni Felicity. Tumakbo ito agad kay Heather at niyakap ang ate niya.

"Na miss kita kahit na palagi mo akong tinatawagan." 

Heather softly smiled dahil sa sinabi ni Felicity. 

"Na miss rin kita. Sabi ko naman kasi sayo sumama ka kila mama eh." 

Hindi kasi ito sumama sa mga magulang niya noong pumunta ang mga ito sa Japan. Nagpaiwan lang ito sa bahay at ang kasama lang nito ang mga kasambahay. 

Palaging tumatawag si Felicity sa ate niya kasi she's worried rin. She doesn't want her Ate Heather to feel alone, especially that alam nito na broken ang ate niya. 

She always make sure that tinatawag niya ito at nakakausap kasi kahit na naasar siya sa Ate Heather niya ayaw pa rin niyang masaktan ito.

"Okay ka na ate?" Felicity asks.

Heather hummed at ginulo nito ang buhok ni Felicity. Matapos nilang mag-usap nag-ayos na sila para sa movie marathon nila. Ang kaninang tahimik na bahay ay naging magulo lalo na't nagkukulitan sila Lilac at Heather. 

"Nauuhaw ako, kunan mo nga ako ng tubig doon Heather." Utos ni Lilac kay Heather. Nakapatong ang mga binti ni Lilac sa lap ni Heather kaya kinurot ito ni Heather. 

"Kung ibuhos ko kaya sayo ang petsel namin?" Pagtataray nito kay Lilac.

"Lah, nag Japan lang nambubuhos na ng tubig." 

Inirapan lang heto ni Heather. Tumayo si Michael at heto na ang nag presenta na kumuha ng tubig. 

Kalagitnaan sa panonood nagtanong si Lilac kay Heather. 

"Hoy fren, may tanong pala ako,"

Sinipat ni Lilac si Heather. Tinatansya niya kung ano ang reaction nito. Hindi sumagot si Heather kaya pinagpatuloy na ni Lilac ang sasabihin niya. 

"Ano ba talaga nangyari pagkatapos niyang sabihin sayo yung ano," 

Tumigil sa pag laklak ng pagkain si Iris at humarap na rin kila Heather. 

"yung alam mo na"

All of them are curious. Hindi kasi nito sinabi kung ano ang nangyari pagkatapos sabihin ni Chester ang balita. 

Natigilan si Heather at napatulala. Tila naging sirang plaka ang kanyang memorya. Para siya nitong binalik sa gabing yon. 

Bumalik na rin si Michael na may bitbit ng tubig. Binigay nito kay Lilac ang dalang tubig. Napansin nito ang pag tahimik ng paligid. 

"Nagkwento lang siya tungkol kay Quin at kung paano siya nito napapasaya. Sana all nalang siguro." 

"Hindi ka ba tinawagan ni Chester?" Tanong ni Iris

"She blocked him." Si Michael na ang sumagot kay Iris. Nanlaki naman ang mga mata ni Iris. 

"Why naman?" Taka nitong tanong. Napairap naman si Lilac sa tanong nito.

"Ay fren, halata naman siguro na gustong mag move-on ng frenny natin." 

"Paano siya mag momove-on kung palagi niyang nakikita diba? Magkakapitbahay lang kaya sila tapos 'di rin malabo na pumunta dito sa bahay nila si Chester." 

Lahat ng mga sinabi ni Iris may sense at ngayon lang ito napagtanto ni Heather. 

"Ay true ka dyan. Paano na yan? Nako di malabong hindi niya mahalata ang pag-iiwas mo sa kanya. Baka magtaka yun kung bakit mo iniiwasan." 

Hindi na nila pinansin ang pinapanood nila na kay Heather na ang atensyon nilang lahat. 

"Correction, simula noong umalis si Heather nagtataka na si Chester kung bakit hindi niya ma contact ang babaeng ito." tinuro pa ni Michael si Heather kaya napairap si Heather. Hinawakan niya ang hintuturo ni Michael. Akma niya sana itong babaliin pero naagaw na ni Michael ang kamay niya. 

"Ay patay ka diyan." Bulong ni Felicity sa sarili. Bumalik na sila sa panonood. 

"Nasaan pala si Chester? Bakit hindi siya sumama sa atin kanina?" Tanong ni Lilac kay Michael bulong lang heto pero narinig pa rin ito ni Heather. 

Nagpanggap namang abala si Heather kahit na sa totoo niyan gusto niya rin malaman kung nasaan si Chester. 

"Kasama bobo niya." 

"Anong bobo? Tinawag mo ba akong bobo?!" Hesterikal na sigaw ni Lilac kay Michael. Nanlaki naman ang mata ni Michael ng mapagtanto niya ang sinabi ni Lilac.

Natoun na naman ang atensyon ng lahat sa kanila. 

"Hala 'di kaya! sabi ko kasama niya babo niya.. Babo as in quin kasi!"

Napabuga ng hangin si Heather bago sabihin.

"Bantot ng callsign nila ha. In fairness bagay sa kanilang dalawa, bobo." 

Umiirap niyang saad. Nagkagulo naman sila Lilac sa sinabi niya. Tuwang tuwa sila sa sinabi ni Heather. 

_____________________________

Eighteen (Falling Flower Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon