129

41 7 11
                                    

Napabuntong hininga ako at napaupo sa upuan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napabuntong hininga ako at napaupo sa upuan. Katabi ko si Michael na ngayon ay tahimik lang na nag s-set-up sa speaker. Siya kasi napag utusan sa sound system. Habang ako naman sa decorations.

Nakahanda na ang lahat. Mula sa mga pagkain at mga palaro na lalaruin namin mamaya sa pagsapit ng bagong taon. Nirentahan nila Mommy at Tita ang buong rooftop ng hotel kaya kami lang ang nandito ngayon. 

Ang ganda ng pagka-ayos ng mga lights at ang ganda rin ng ambience dito sa taas. Kitang kita dito mula sa taas ang dagat at ang mga tao sa baba. Kami lang ni Michael ang nag-ayos dito sa rooftop wala pa kasi sila Mommy. Nag-aayos pa sila. 

"Handa ka na ba mamaya?" Baling ni Michael sa'kin.

Napailing ako sa kanya. Iyon din ang pinoproblema ko. Kinakabahan ako at para na akong matatae dito. Gusto ko mag backout pero at the same time hindi. 

"Kinakabahan ako,"

Natawa siya sa sinabi ko.  

"Huwag kang kabahan. You can do it Heather. Magtiwala ka lang sa sarili mo. Don't let your fear eats you kasi wala kang mapapala niyan." 

Tama siya. Hindi dapat ako magpadala sa takot. Kaya ko 'to! Aamin lang naman ako sa kanya. 

"Basta think positive ka lang diyan. Support ka namin always. Lalo na ang family mo. Support sila sa inyo ni Chester yiee." Sinundot-sundot niya pa ako sa gilid. Natawa naman ako sa kanya. 

"Huwag ka nga! Kitang may kiliti ako dyan gagi." Hinampas ko siya sa braso at umiwas naman ito. 

Naramdaman kung uminit ang pisngi ko. Kanina pa nila ako inaasar. Nalaman kasi ng Family ni Chester at ng family ko na aamin ako kay Chester ngayon. Kaya buong hapon nila akong binibigyan ng mapag-asar na tingin. 

Nakakatuwa lang din isipin na supportado sila sa pag-amin ko. Nakakataba din sa puso kasi hindi ko akalain na sususporta sila sakin. Hindi ko nga makalimutan ang sinabi ni Tita Wen kanina eh. Natutuwa daw siya na aamin na ako at excited daw siyang maging kami ni Chester.

Si tita talaga ang advance mag-isip. Kinikilig tuloy ako ng husto sa sinabi niya.

"Kilig ka naman." 

Napairap ako kay Michael. Natahimik na ulit kami at ang tangi lang maririnig at ang music na pinapatogtog niya.

"Wala pa si Chester?" Tanong ni Tita Wen noong dumating na sila. Sinalubong ko naman sila at kinuha ko ang bitbit nilang wine. Umiling naman ako bilang sagot. 

"Wala pa po, Tita." Sagot ko. 

"Lokong bata yun. Gabi na hindi pa rin umuwi. Malapit na mag 11 oh"

At doon na nga nag rap si Tita. Marami pa itong pinagsasabi pero hindi ko na ito pinansin pa. Bumalik na ako sa table namin na ngayon at magulo na dahil pilit na pinapasali ni Felicity si Lance sa tiktok habang si Michael naman inaasar si Lance. 

Eighteen (Falling Flower Series #2)Where stories live. Discover now