🔰004🔰FORGOTTEN MEMORIES

496 71 4
                                    

FORGOTTEN MEMORIES
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~


Shaina's POV

"SA WAKAS, nakatayo narin ako dito." Ani ni Lon. Siya ang magiging kalaban ko sa huling match para sa araw nato.

Nandito na kami ngayon sa harap ng battleground at sa wakas ay laban ko narin. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang init ng kalamnan ko. Medyo kinakabahan ako pero hindi ko yun pinahalata. Mukhang epekto siguro to nung laban na nakita ko ngayon-ngayon lang.

Nakakatakot talaga ang mga Lightning Mages. Masyado silang matatalino tungkol sa mga mahika kaya mahirap talaga silang tapatan kung wala kang masyadong alam.

"First time mo bang makasali dito?" Tanong ko naman dito. "Ikaw din, hindi ba?" Sagot naman nito.

Kung ganun, pareho kaming baguhan pagdating sa paligsahang ito. Pero iisa lang naman ang alam naming paraan para manalo... Ang lumaban.

"Ready..." Hudyat ng tagapamuno at itinaas na ang isang kamay sa ere. Nagsipaghanda nadin kaming dalawa.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kalaban. May dalawa siyang espada na nakalagay sa likuran niya.
Sa hugis ng katawan at mga braso niya, mukhang hindi lang nagkakalayo ang size naming dalawa.

Pero kung sa bilis ang pag uusapan. Walang eksaktong sagot para diyan. Nasa abilidad na nang tao yun kung ano ang kaya niyang gawin sa gitna ng laban. Desidido na ako, ako ang mananalo!

"Fight!!" Ng maibaba na ng referee ang kamay nito sabay naming kinuha ang mga sandata namin sa aming likuran. Ang hawak kong sandata ay isang silver sword na may taas na halos isang metro at may manipis na mga double blades na talim.

"Ganda nang sword mo ah." Pang aasar ni Lon habang tumatakbo patungo sakin. Dalawang espada ang hawak niya sa magkabilang kamay habang naka cross ang mga braso papunta sakin.
"Hindi mo naman sinabing may hawak ka rin naman palang isang Legendary sword. Mukhang matutuwa ako sa labang ito."

Sinalag ko ang sabay na atake ng espada niya tsaka sinubukang pitadin ang kaliwang paa nito pero agad naman niya itong nai-urong kaya hindi ako nagtagumpay gawin yun.

"Ang bagal mo—Arghh!!" Hindi na niya natuloy ang sinasabi ng diretsong natamaan ko ang panga niya pero hindi pa ako tapos. Sinundan ko naman agad ng suntok sa bandang liver niya kaya napa inda na naman siya sa sakit.

Inikot ko ang katawan ko sabay turn around kick tungo sa pisnge niya at tumama ito pero sa pagkakataong to nagawa na niyang maiharang ang braso nito sa mukha. Hinawakan niya ang paa kong nasa braso parin niya tsaka sinubukan niyang pitadin ang paa kong nasa lupa pero bago pa niya yun magawa, hindi ako nagdalawang isip na pwersang pinatalon ang isa kong paa mula sa lupa sabay sinipa ang mukha niya kaya nabitiwan niya ako.

Dumistansya ako ng kunti mula sa kanya.

"Ngayon, eto ang ilagan mo!" Tapos nagpakawala siya ng mga bolang apoy sa pamamagitan ng kanyang dalawang naka cross na espada. Mabilis ang mga takbo ng mga kasinlaki ng taong bolang apoy ang patungo sakin ngayon.

Nagbibiro ba siya? Paano niya nagagawang magpakawala ng ganitong kalalaking mga bolang apoy ng ganito kagaling.

Todo iwas naman ako rito yung ibang apoy na hindi ko na magawang maiwasan dahil sa dami nila ay hinihiwa kona lang ng espada ko na may kasamang air pressure magic ang paligid ng patalim kaya kahit ano pang laki ng apoy nagagawa ko paring hiwain at pigilan ang ibang enerhiyang apoy.

"Haahhhhh.." Hinihingal na ako. Parang walang katapusang kapangyarihan to ah. Kapag sinusubukan ko namang lumapit sa kanya tumatakbo rin siya palayo sakin kaya hindi ako nakakahabol dahil narin iniiwasan ko ang mga atake niyang apoy habang tumatakbo.

Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED]Where stories live. Discover now