💎048💎 Awkward

129 35 2
                                    

Awkward
~•~•~•~•~
048

Shaina's Pov

"Dito po ang kwarto ninyo, binibini."

"Sige. Maraming salamat." Yumukod ito bago ako iniwan sa may bandang dulo na ng hallway. Kaharap ko ang isang pulang pinto kung saan ako tutuloy muna ngayon hanggang matapos ang misyon namin.

Nasa tabi ng kwartong ito ay ang kwarto ni Seth at yung sa susunod ay kina Noah, Zion, at Haki. Nasa may pinakadulo kasi ang sakin.

"Matapos ninyong mag-ayos magkita tayong lahat sa kwarto ni Haki mamaya para sa planong paghahanda natin bukas."

Narinig kong sabi pa ni Zion sa isip ko kaya't hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pumasok na sa kwarto ko.

Sobrang ganda sa loob. Ang linis pa ng kama na may pulang kumot at ang puti ng dingding pati ang bubong.

May bintana katabi ng isang aparador at katabi rin ng aparador ay paliguan. At ang katabi rin ng paliguan ay isang mirror table kung saan maaari kang magkaganda kung gusto mo. Pero gagawin kopa ba yun sa sitwasyon namin ngayon.

Nilagay ko sa kama ang dala kong bag at sinuyod ang paliguan at nagsimula ng maglinis ng aking katawan para sa pulong na gagawin namin mamaya.

Basa ang buhok kong lumabas sa paliguan at nakasuot lang ako ng roba na kulay pink. Umupo ako sa mirror table at sinuklay ang buhok ko na medyo may kahabaan rin.

Matapos kong magsuklay pumasok na ulit ako sa paliguan at doon nagbihis. Nagsuot lang ako ng kulay puting manipis na jacket at pantalon na narin na itim.

May naramdaman akong kakaiba sa paligid kaya't lito akong napatigil sa ginagawa. Tumingin ako sa kawalan at ng mapagtanto na nasa may labas ng bintana banda ang awrang naramdaman ko, mabilis kong tinungo ang bintana ng kwarto at sumilip sa labas.

May nakita akong punong kahoy at sa ilalim ng puno na iyon ay may nag-uusap na dalawang naka hood na lalaki. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil sa kilos palang, mukhang galit yung isang lalaki na medyo may katabaan at medyo pandak.

Pinagmasdan ko yung kausap niya o mas tamang isipin na pinapagalitan niya ay mas matangkad at malaki din ang katawan. May bukol sa bandang likod ng matangkad na lalaki at napasinghap nalang ako ng kinuha ng lalaking matangkad ang espada pala mula sa likod niya at mariing iniharap ito sa mismong leeg nung lalaking pinagagalitan siya.

Isang giant sword yun ah? Isa sa rare sword din ng bayan ng Etiko. Bakit sila nag-aaway? At dito pa talaga sa likod ng kwarto ko.

Hindi nagtagal ay inalis narin nung matangkad na lalaki ang talim ng espada nito dun sa kaharap niya na mukhang hindi na ata makakilos sa takot.

Lilingon na sana sa gawi ko ang mukha nung matangkad na lalaki ng biglang may kumatok sa pintuan kaya't napalingon ako dun.

"Shaina, labas kana kapag handa kana. Kanina pa tayo hinihintay ni Zion!" Sigaw yun ni Seth mula sa labas.

"Oo na! Nandyan na!" Ang atat naman nitong si Zion kung magpatawag ng pulong. Wala pa ngang sampung minuto mula ng pumasok ako dito eh.

Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED]Where stories live. Discover now