💎047💎 Prize

144 34 2
                                    

Prize
~•~•~•~•~•~
047

Shaina's Pov

Natapos ang seremonyas kagabi ng matiwasay at masaya. Lalo na at kasama ng bayan ng Tenjio ang mga bagong ka alyansa na ang mga Cursed archers.

Matagal na raw kasi silang naninirahan sa bundok at nais nilang makipag kaibigan sa mga taga Tenjio ngunit pinangunahan sila ng takot na kung hindi daw nila tatanggapin ang alok na alyansa ng pinuno ng mga immortal maaaring si Sinus mismo ang wawasak sa buong bayan ng Tenjio hanggang sa maging abo lahat ng ito.

Nagpasalamat nga sila samin dahil nga kung hindi kami nakialam sa away nila, baka tuluyan ng nawasak ang Tenjio.

Walang traydoran ang naganap at wala naring pagdududa ang nakatanim sa isip ng bawat isa.

Pagkalabas ko ng panuluyan kita ko sa labas ang mga cursed archers at mga mamamayan ng Tenjio na magkasamang naglilinis ng mga kalat sa daan.

May nagkakatuwaan havang yung iba ay nag ku kuwentuhan lang.

Hindi mo aaakaling masyado palang palangiti ang mga archers na to na kaya sobrang nakakasaya ng pakiramdam ang ganitong senaryo.

"Parang panaginip lang ano?" Biglang may nagsalita sa gilid ko at wala sa sariling napatango nalang rin.

"Seth! Gising naba kayo? Halina kayo at kailangan na nating umalis! O baka gusto niyong magpaiwan nalang?" Biglang sumigaw si Haki.

"Oo nandyan na!" Sumigaw pabalik ang katabi ko.

"Halika na." Yaya ni Seth sakin at tumango lang ako. Ma mi miss ko ang lugar nato talaga.

"Maraming salamat po sa inyong kagandahang-loob na ipinakita samin. Talagang hindi kami magsasawang bigyan kayo ng aming pasasalamat. Naway magpatuloy kayo sa inyong paglalakabay ng ligtas." Nakangiting pamamaalam samin ng bagong pinuno ng Tenjio.

"Tanging hangad lang talaga naming manatili ang kaayusan sa bayang ito. At sana ay manatiling ganito hanggang sa susunod pang mga henerasyon." Sagot naman ni Zion. Sila ni Noah talaga ang boses ng grupo naming ito.

"Umasa kang mangyayari yun. Malaki ang utang namin sa VerA at hindi namin sasayangin ang pagkakataong ito." Sabi ni Ceron. Siya ang pinuno ng Cursed archers.

"Hindi namin gusto ang pangakong nabibigo kaya't panindigan nyo sana ang sinabi nyo." Sabi naman ni Noah.

"Makakaasa ka." Sabay pang sambit nina Sinab at Ceron kaya't napatawa kaming lahat pati ang buong Tenjio.

"Oh siya. Baka kailangan nyo  ng maglakbay at hindi na namin kayo patatagalin pa sa daan." Nakangiting sambit ni Pinunong Sinab kaya't tumango lamang si Zion sabay sabi. "Paalam."

Kunting kaway kaway lang at nagsimula narin kaming maglakad paalis ng bayan ng may ngiti sa mga labi.

"Saan na tayo ngayon?" Tanong ni Haki.

"Siguro bumalik na muna tayo sa Sinua. Maraming misyon tayong makukuha roon ngayon dahil araw ng sabado." Sagot ni Zion na ikinatango lang din namin.

"Teka. Kasama ba kami sa grupo niyo? Hindi pa kasi ninyo sinabi na kasali nga kami rito." Bigla namang sabat ni Noah sabay tumingin kay Seth na ganun din ang tanong sa isip.

Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED]Where stories live. Discover now