⚔️023⚔️ NOBA

209 51 2
                                    

NOBA
~•~•~•~•~
023

Seth's Pov

"MALAPIT NA ba tayo?" Kanina pang tanong ni Zion samin. Hindi ko alam kung sino ba talaga tinatanong nito samin ni Noah. Parang kausap lang naman nito ang sarili.

Naglalakad kami ngayon sa isang gubat ilang kilometro mula sa Dionald.

Medyo malayo pa naman ang Dionald sa bahay ni tanda kaya okey lang ang lagay namin~nakin pala.

Masukal sukal na ang dinadaanan namin ngayon kaya lakad sabay putol ng mga damo na tumutusok na minsan sa mata namin.

Ilang minuto narin kaming ganito kaya yung si Zion sa likod palaging nagtatanong o nag rereklamo pero hindi naman tumutulong sa pamumutol ng damo sa daan.

"Malapit na ba tayo?" Ayan, sabi ko sa inyo eh.

Inis itong nilingon ni Noah. "Pwede ba, tumahimik kana lang muna jan. Malapit na tayo kung malapit na tayo. Ang ingay mo." Tsaka nagpatuloy na ito sa pagpuputol ng damo sa dinadaanan nito.

Minsan, napapasalita talaga ni Zion yang si Noah. Tahimik lang yan lagi pero ng nagtagal ng makasama nito si Zion, nagiging madaldal na ito minsan.

Ang saya lang nilang tingnan.

"Tahimik na nga ako dito eh." Nagtatampong saad naman ni Zion.

"Wag ka na nga munang magsalita. Baka ikaw pa maputol ko diyan eh." Inis na si Noah. Haha.

"Edi shut up na." Kaya tumahimik narin ang dalawa.

Ano nalang kaya pag hindi ko nakilala ang dalawang to. Siguro hanggang ngayon, nag-iisa parin ako.

Naalala ko bigla yung malaking bato na dahilan kung bakit kami napadpad rito.

Susubukan kong puntahan yun pagkatapos namin sa ginagawa namin ngayon.

Napatigil ako sa paglalakad at napansin naman yun ng kasama ko. Nararamdaman kona. May isang hindi pangkaraniwang enerhiya na umuusbong dito.

Malapit na nga kami.

"Malapit na tayo." Ngiting pahayag ko.

Napabuntong-hininga nalang si Zion dahilan para tingnan siya nito ni Noah. "Mabuti naman. Ang sakit na ng paa ko." Sabi ni Zion habang nagpapatuloy na kami sa paglalakad.

Hindi nga nagtagal ay may naaninag na akong bahay na nasa tabi lang ng ilog kung saan ako unang nakita ni Tanda noon.

"Yan na nga yung bahay ni master Rioshi!" Masayang sambit ni Zion bigla ng makita nito ang bahay.

"Alam mona pala kung saan ang lugar nato umaakto kapa kaninang walang alam." Sita ni Noah rito.

"Kasi naman, alam naman ni Seth ang daan eh kaya siya nalang ang pinauna ko." Natatawang sagot ni Zion.

"Ang totoo hindi kona talaga masyadong natandaan ang eksaktong lugar nito kaya hindi ako makapaniwala na tama ang dinaanan natin." Pagmamayabang ko sa kanila.

Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED]Where stories live. Discover now