📜055📜 Epilogue

238 30 5
                                    

Epilogue
~•~•~•~•~•~
055

Author's Pov

Tahimik ang paligid.

Walang ingay na maririnig.

Isang silid kung saan maraming tambak-tambak na libro ang magkakasunod-sunod na naka pila sa isang matayog na halos aabot na sa kisameng bookshelf.

Bilang lang ang mga taong nandito sa loob ng silid.

May nagbabasa.

May naglalakad sa bawat shelves na parang may hinahanap sa pila ng daan-daang libro.

May natutulog.

May kumakain.

May nagsusulat.

May nag-aayos ng libro.

At may nakatayo lang sa harap ng isang pinto.

"Noah. Anong tinitingnan mo?"

Tinanong ng isang lalaking kadarating lang sa lalakeng nakatayo sa harap ng pinto na tila malalim ang iniisip nito.

"Wala lang. May iniisip lang." Sagot naman ng lalake.

"Anong iniisip mo?" Tanong ulit ng lalake kay Noah.

"Iniisip ko. Kung sakaling pagbukas ko sa pintong yan. Magagawa kaya akong dalhin sa ibang lugar?"

Sagot ni Noah na puno ng pangungulila at lungkot sa mukha habang sinasabi ito. Puno yun ng pangarap pero wala siyang magawa kundi ang mag-isip ng paraan para mabawasan man lang ang lungkot niya kahit papano.

"Bakit di mo subukan? Malay natin. Baka magkatotoo ang sinabi mo?" Sagot naman ng kausap nito.

Nilingon ni Noah ang kausap.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong ni Noah sa lalakeng kausap. Matagal na niya itong gustong tanungin ngunit ngayon lang niya ito nasabi sa lalake.

"Ako si Haki. Ikaw. Anong pangalan mo?" Tanong pabalik ng lalake kay Noah.

"Noah. Noah Rimer. Sino yung kasama mong tulog?" Tanong pabalik ulit ni Noah sa lalakeng nagpakilala na si Haki.

Nilingon naman ni Haki ang lalaking nasa may kalayuan nila sa may reading corner at natutulog na ginawang unan ang dictionary na libro.

"Ah. Yun ba?" Sabay turo ni Haki sa lalakeng natutulog. "Kaibigan ko siya. Zion ang pangalan niya." Lahad ni Haki rito sabay napatango nalang din si Noah.

"Ahh. Ganun ba? May kakilala rin kasi akong gaya niya eh. Palaging mag-isa at laging natutulog sa klase nun. Minsan late pa nga kung dumating sa school." Sabi din ni Noah.

"Shhh!" Galit na sita sa kanila ng librarian kaya't agad silang natahimik pareho.

Nakalimutan nilang nasa loob pala sila ng school library kayat't tahimik silang napaupo sa mesang kaharap nung lalakeng natutulog.

Sabay silang tatlong lumabas ng library dahil sa pag ring ng school bell hudyat na magsisimula na ang kanilang mga klase.

"Sige, Noah. Kita nalang tayo sa school gate mamaya pagkatapos ng klase." Paalam ni Haki at tumango si Noah.

"Hihintayin ko kayo." Saad pabalik ni Noah rito.

Pagkatapos ng klase ni Noah agad niyang niligpit ang mga gamit niya at nilagay lahat ng yun sa kaniyang dalang bag.

"Sino nga ulit ang bibisitahin natin sa ospital?" Nakarating na si Noah sa school gate at yun ang unang tinanong ni Haki rito.

Akala ni Noah siya ang mauunang makakarating sa school gate pero mali pala siya. Nauna ng dumating ang dalawa.

"Basta. Pumunta nalang muna tayo dun tsaka ko siya personal na ipapakilala sa inyo. Tara na—ah teka, kunin ko lang kotse ko."

"Wow. May kotse." Agad naging excited si Haki ng malamang de kotse pala ang kausap niya habang si Zion ay walang pake sa paligid at nag eerphone lang at sumasayaw ng mag-isa.

Lumabas sila ng school gate na sakay ang kotse ni Noah patungo sa ospital na tinutukoy nitong pupuntahan daw nila.

Pumasok sila sa marangyang ospital at sumakay sa elevator paakyat sa fifth floor. Doon kasi naka confine ang hinahanap nila.

Tumunog ang elevator hudyat na nakarating na sila sa floor na pinindot at lumabas nadin at dire- diretsong nagtungo sa isang pintong may naka tatak na room 503.

Nagbuntong-hininga muna si Noah bago binuksan  ang pinto ng kwarto. "Nandito na ako!" Masaya niyang bungad pero wala siyang natanggap na sagot mula sa loob pero sanay na si Noah sa ganun.

Pinapasok niya sa kwarto ang dalawang bisita at kita agad ang lungkot sa kanilang mga mukha ng makita ang kalagayan ng binatang nasa harapan nila ngayon at tahimik na nakahiga sa maputing kama.

Wala sa sariling natanggal ni Zion ang earphone niya sa magkabilang tenga at nilapitan ang lalakeng nasa kama.

Hindi niya alam kung bakit pero parang pamilyar sa kaniya ang mukha nito pero kahit pilitin pa niyang mag-isip, wala siyang maalala.

"Hayaan nyong ipakilala ko siya. Ang pangalan niya ay si Seth." Pakilala ni Noah sa dalawa. "Kapatid ko."

~•~•~•~•~•The End•~•~•~•~•~

Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt