☠️036☠️ The Heir And The Dragon

156 42 3
                                    

The Heir And The Dragon
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
036

Seth's Pov

TUMAYO ANG prinsipe habang umuusok parin ang dibdib nito na tinamaan ko ng sipa kanina. Tiningnan niya ang sipa ko sa dibdib niya tapos bumalik sakin.

"Hindi moko binigo." Saad nito. "Malakas ka nga."

"Ginawa kolang patas ang laban." Simpleng sagot ko.

Natawa lang siya tsaka mabilis ding hinagisan ako ng dalawang sunod-sunod na golden dagger kaya mabilis kong kinilos ang espada ko para salagin papalayo sakin ang dalawang dagger at nagtagumpay naman ako.

Pero nagulat nalang ako ng may mabilis namang bumulusok saking golden spear. At mabuti nalang dahil magaling ang aerobics skills ko kaya napa side flip agad ako sa kanan.

Gumulong naman ako ng may bumulusok na namang tatlong palaso tungo sakin.

Tumakbo ako at mabilis na tumalon ulit at muntik na akong tamaan ng malaking axe na tumama sa lupa.

Grabe. Hanggang anong klaseng sandata paba ang kayang gawin ng taong to. Pero siguradong may kahinaan din ito at yun ang hahanapin ko.

Gumawa agad ako ng lightning slash gamit ang espada ko at muntik namang hindi yun maiwasan ng prinsipe. Ng nasa harapan na niya ako.

Akmang lalaslasin ko na ang leeg niya pero napayuko agad siya kaya lumagpas ang atake ko. Sinubukan ko ulit yun at nasalag na niya ito gamit ang kalasag niya.

Mabilis ulit akong umikot sabay atake sa kabilang side niya pero nasalag parin niya ito.

Siya naman ngayon ang mabilis na umabante at mabilis na sinipa ang dibdib ko kaya kahit nasalag ko yun gamit ang espada ko tumalsik parin ako palayo sa kaniya ng ilang metro.

Malakas ang impact at tunog ng sipa niya kaya napagulong-gulong ako bago nakabawi ng lakas at pinilit na ibaon ang espada sa lupa para tumigil sa pagkakatalsik.

Bago kopa iangat ang tingin ko nadaplisan na naman ako ng paparating na dagger sa pisnge malapit sa mata at isang iglap lang ay nasa harap kona naman siya.

Malaking maso ngayon ang bitbit niya kaya hinanda kona naman ang sarili para sa atakeng tatama na naman sakin.

Tugb!!

Tumalsik na naman ako papalayo sa kaniya ng halos tamaan na ang buong katawan ko ng masong pinanghampas niya sakin.

Kung titingnan para lamang akong laruan na tinapon o sinipa ng isang bata ng sobrang lakas.

Dumudugo na ang ulo ko at naapektuhan na nito ang vision ko.

Nagkulay pula na ang buong paningin ko sa daming dugong umagos sa noo at malapit sa mata ko.

Narinig kong tumawag sakin si Noah pero hindi ko naman kayang sagutin ito ngayon dahil nahihilo pa ako para gumalaw man lang kahit kunti.

Malalim ang hiningang binibitawan ko habang nakatingala sa maulap na ngayong kalangitan.
Tila gumaan bigla ang pakiramdam ko habang nakikita ang mapayapang ulap na nakikita ko ngayon. Kahit na ang nakikita kong kulay ngayon ay pula na.

Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt