🖤053🖤 I know What It Feels Like

136 28 2
                                    

I Know What It Feels Like
~•~•~•~•~•~
053

A/N: Update is here. It's Shaina's turn to shine!:)

Shaina's Pov

Puno ng hiyaw at pagsabog ang naganap sa labas ng palasyo. Marami naring namatay sa panig namin at pati mga sibilyan ay nadamay din sa gulo.

Kasama ko ngayon ang reyna at pati ang sampung kawal kasama ang heneral.

Nagpaiwan si Noah sa labas ng field para protektahan ang mga sibilyan laban sa mga kidlat na walang tigil na umaatake sa mga tao.

Mas maraming kalaban ngayon sa labas kaya't kailangan talaga si Noah dun.

"Bilisan pa natin." Saad ko habang naglalakad kami ngayon sa hallway sa loob ng palasyo.

Kailangan naming maitago ang reyna sa isang mas ligtas na lugar hangga't humupa na ang labanang ito.

Napatigil agad kaming lahat sa paglalakad ng may namataan kaming tatlong nilalang sa may di kalayuan ng hallway.

"Mga green hunters." Bulong ng heneral. Ramdam kong nag-iba ang awra niya ngayon at napansin kong napahigpit ang hawak niya sa espada niya.

"Protektahan nyo ang reyna." Agad na utos ng heneral. "Ako na ang bahalang pumigil sa mga to."

"Hindi." Agad kong tutol kaya't takang napatingin sakin ang heneral pati na yung iba.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nito sakin.

Ramdam ko na kakaiba ang mga green hunters na ito. Kung balak talaga nilang patayin ang reyna, bakit tatlo lang ang humarap samin.

Siguradong may mas mahalaga silang pakay maliban dito.

Balak ba nila kaming ipaghiwa-hiwalay sa reyna ng paunti-unti?

Nag-isip ako ng kunti at nagpasya naring hinarap ang ilang sa mga kawal.

"Manatili sa inyo ang lima dito. Huwag niyong hayaang makasunod ang tatlong hunters—pigilan nyo sila!" Utos ko sa kanila.

"Pero, binibini. Baka po mapatay lang kami nang mga yan. Malalakas ang mga awra nila."

"Wag kayong mangamba. Alam naming kaya ninyo silang pigilan." Sagot ko sa isang nagreklamo. "Tandaan ninyong malaki ang maitutulong ninyo sa kaligtasan ng reyna kung magiging matapang kayo. Naging mandirigma kayo para rito diba? Ang protektahan ang iba?"

Sambit ko ng may ngiti sa mga labi.

"Puro kayo daldal. Umatake na tayo sa reyna!" Sigaw ng isang green hunters at sumugod na nga sila.

Nabigla ako dahil mabilis ding kumilos ang limang kawal na kinausap ko matapang na sinangga ang mga patalim ng tatlong green hunters.

"Sige na, binibini. Kami na ang bahala rito! Kai...langan.. niyo nang. Umalis!" Sabay tinulak nito ng malakas ang isang green hunter at matapang na umatake kasama ang mga kasama niya.

"Tayo na." Saad naman ng heneral kaya't tumango ako at tumuloy kami sa isa pang hallway sa kaliwa.

"Iiligaw natin ang mga assassin's na gustong pumatay sa reyna tsaka natin sila isa-isang papaslangin. Ganun padin ba ang plano ninyo?" Tanong ng heneral sakin sa gitna ng aming pagtakbo.

"Ganun na nga. Magdasal nalang tayo na hindi nila kabisado ang hallway ng palasyo para mas maging epektibo ang nasabing plano. Yung natirang kawal gawin nating diversion—"

Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon