CHAPTER 18 ~ Ready ~

113K 2.6K 134
                                    

CHAPTER 18

DAWN'S POV

Animo napako sa kinatatayuan na laglag ang panga na nakatingin sa akin si Triton. Ngumiti ako at akmang hahaplusin ko ang mukha niya ng maramdaman ko na lamang na may humila sa akin. Automatiko na umangat ang kamay ko at kumapit ako sa kamay ni Triton dahilan para mahila rin siya.

"Explain this to me Dawniella!"

Shit, shit, shit! I totally forgot that my parents are here! "Dad, I can explain-"

"No! You listen to me."

Kumunot ang noo ko. I really shouldn't rile my father more but I can't help it. "Sabi niyo magpaliwanag ako! So I'm going to explain, Dad!"

"She got you there, loves." my mother murmured.

Imbis na pansinin ni daddy ang sinabi ni mommy ay nanataling nasa akin ang atensyon niya. "You will get in the car, we will go home, and then you will break it off whatever it is that's going on between you and that boy."

"Dad, his name is Triton and he's not a boy, okay?"

"Dawniella!"

Naramdaman ko ang braso ni Triton na pumalibot sa balikat ko na lalong ikinadilim ng anyo ni saddy. "Dawn, kailangan na nating umalis."

"No, Triton. Kailangan nating sabihin kay Daddy-"

"I know. Pero hindi dito. The media will feast on us, sweetie."

Muntik pa akong matumba ng bigla na lang akong hinila ni Daddy at kasabay niyon ay ang bahagyang paghila sa akin ni Triton. Naniningkit ang mga mata ni Daddy na tinignan ang binata. "Bitawan mo siya, Lawrence. And you Dawniella, get in the car."

"No, Dad. I'm going with him."

"Get in the car."

"No, Dad."

My father's eyes hardened more. "Car!"

"Jeez, Dad, no!"

Bago pa makapagsalita ulit si Daddy ay naunahan na siya ni Mommy. Wala akong mabasa na kahit na ano sa mga mata ng ina ko. No anger...nothing. And that made it worst. Dahil sa lahat ng tao na nakilala ko, si mommy ang hindi nawalan ng emosyon...compassion, para sa lahat ng bagay. "Get in the car, Dawn."

"Mom-"

"Don't make me repeat it again or I'll haul your ass inside the car."

Pinatigas ko ang sarili ko at pilit na inalis ko sa mukha ko ang emosyon na maaaring bumalatay roon. Sophia Carina Cole Davids is my mother. Alam ko kung ano ang kaya niyang gawin kapag nagalit siya. Not that she ever did something to me. Dahil kahit kailan hindi ko sila binigyan ng alalahanin ni Daddy.

Not until now.

I love my parents, I really do. But I'm not gonna stop fighting for my man. Ilang taon na wala akong ginawa kundi itanggi sa sarili ko ang anraramdaman ko. I have no plans on doing it again.

"Dawn..."

Nilingon ko si Triton nang marinig ko ang pagtawag niya at sinalubong ko ang tingin niya. "I'm not going with them."

"You should."

Pakiramdam ko, isang sampal ang sinabi niya sa akin. Am I wrong with this? Am I wrong on letting him in again? Mauulit na naman ba ang nangyari noon? Papakawalan na naman niya ako dahil lang sa natatakot kami sa kung anong maaaring mangyari.

"No, sweetie. Don't get your head in a mess." he whispered. "Hindi na kita pakakawalan. Not again. But they are still your parents and I don't want you to end up in this crossroads where you need to choose between me and them. So we need to make it right, sweetheart. Kailangan natin silang makumbinsi na tama ang pinipili nating desisyon."

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Where stories live. Discover now