CHAPTER 26 ~ Mine ~

122K 2.6K 93
                                    

CHAPTER 26

DAWN'S POV

Katulad nang huli ko siyang makausap akala mo ay pag-aari pa rin ni Delta ang lahat ng nasa paligid niya sa asta niya. O kung mas tamang sabihin na tinuturing niya na pag-aari niya ang taong katabi ko. Oo, aaminin ko sobrang slow ko pagdating sa nararamdaman ko. That's because I'm too busy handling everything and too preoccupied on forcing myself to forget what Triton and I had before. Pero hindi na ngayon.

Kaya kung ano man ang binabalak niya ay hindi ko mapapayagan iyon. Hindi ngayon na alam ko na kung ano ang gusto ko at ang handa akong ipaglaban.

"Delta, anong ginagawa mo dito?"

Dumako ang tingin ni Delta kay Triton na siyang nagsalita. "Searching for you. Alam mo ba kung gaanong kalaking gulo ang iniwan mo sa akin dahil mas inuna mo pa ang mga bagay na hindi naman importante?"

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko ng gumawi sandali ang tingin niya sa akin sa huli niyang sinabi pero nanatiling kalmado ako at pigil ang inis. I need to hear what she came here to say.

I want to watch how she burn once I laid everything on the table.

"Alam mo din ba kung anong sari-saring issue ang lumabas dahil sa ginawa mo na pagkausap sa mga fans mo?"

"Dahil hindi na tama ang ginagawa nila." sabi ni Triton.

"Artista ka, Trei. You know not to never act that way. Alam mo kung ano ang kapalit ng kasikatan mo."

Triton brushed his hair up and stand up. "Tapos na ako. I'm done with the fame. Because what the people wants me to give up is not something I can let go of."

"Kaya basta mo na lang bibitawan? Paano ang mga nagmamahal sa'yo? Paano ako?"

Napatingin ako kay Triton sa sinabi ni Delta. I heard the double meaning...but as expected, Triton doesn't realize it. Iba talaga ang mga lalaki at babae. O siguro dahil hindi kauri ni Triton si Delta hindi katulad ko. Parehas kaming babae.

"Madaling makalimot ang mga tao. They'll soon forget me. And you...you need to go back to your parents, Delta. Matagal ka na raw hindi umuuwi sa inyo sabi ni Tito."

Kumuyom ang mga kamay ng babae. "Ikaw ang inaalala ko, Trei! Kilala kita. Hindi ka makakatagal na hindi sa iyo nakatapat ang spotlight. You'll crave the fame, Trei and I'm sure about it."

"I respect you, Delts and I hate to say this, but really you don't know a fuck about me. Matagal na kitang kilala pero Trei pa rin ang tawag mo sa akin. I'm Triton Lawrence. You may know what food I love, what clothes I want to wear, but that doesn't say much about me."

"Triton, focus! You're losing too much because of that woman-"

"Fame is just a way to distract myself to reach out for something as beautiful as this woman beside me."

"Trei-"

"But my head is out of my ass now. Tapos na akong pigilan ang sarili ko. And by some miracle, she's done running away too. Wala na akong gusto na hilingin pa. Because fame will lack comparison to the happiness I'm feeling now."

"Hindi kita kilala?" tinuro ako ni Delta. "I knew about her! You told me about her!"

"Yeah? And that made you know everything about me?"

Akmang magsasalita pa si Delta peromay kung sino na tumawag kay Triton. Bahagyang tinanaw ko ang tumawag sa kaniya at napag-alaman ko na si Hermes iyon. Hermes looked at me for a second before he gave Triton a head tilt to call him.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon