Special Chapter

12.1K 486 172
                                    

A/N:  Dawn and Triton's story has the longest special chapter that I ever made. This is just an excerpt. I posted this because this is an important part of the series. Maiintindihan niyo pa rin naman ang storya kahit na wala ito kapag nakarating na sa tamang timeline ang on-going. But I decided to share this so everyone will have the glimpse of BHO CAMP's future specially now na on-going ang isa sa piling 4th generation characters na gagawan ko ng story na si Belaya Lawrence, Dawn and Triton's daughter. Her story will be written under Dagger Series since I'm only writing characters from the fourth generation that are not agents. Technically, there's still no BHO CAMP agents 4th gen and everyone know the reason behind that. Kung hindi ay malalaman niyo iyon sa chapter na ito at sa story ni Belaya. 

Important note: This special chapter is parallel to the last book of BHO CAMP. Meaning hindi pa ito nangyayari sa kasalukuyan dahil ito ang isa sa pinakahuling parte ng BHO CAMP #13: The Last Mission.

Hindi malalaman ang tinutukoy sa dulo ng chapter na ito hanggang hindi pa naisusulat ang BHO CAMP #13.

Ps: The full version of this in the published book version won't answer the question at the end of the chapter. Mananatiling sikreto iyon hanggang hindi pa last book ng BHO CAMP.

AN EXCERPT FROM CLASH OF THE PRIVATE A1's SPECIAL CHAPTER

Read the full special chapter when you buy a copy of the published book available in Precious Pages and other bookstores or through Precious Pages Shopee and Lazada.

MAKULIMLIM ang kalangitan na para bang nakikisabay sa bumabalot na emosyon sa buong BHO CAMP. Sa loob ng dalawang buwan ay nananatiling sarado ang BHO CAMP sa publiko habang ang mga agent ay nananatili lang sa headquarters. Walang kahit na sino ang tumatanggap ng misyon. Walang kahit na sino ang nagagawang makaalis.

Akala namin wala ng katapusan ang lahat. But two weeks ago the inevitable change took place. Ngayon ay natuldukan na ang napakahabang daan na tinahak naming lahat. Dahil sa isang tao na ginawa ang lahat para masigurado ang kaligtasan ng nakakarami.

Ang kaligtasan naming lahat.

Ikinuyom ko ang mga kamay ko na animo magagawa no'ng pigilan ang pagragasa ng damdaming ilang linggo ko ng pilit na itinatago. Dahil hindi ako ngayon dapat manghina. Hindi pa ako pwedeng mawalan ng kontrol.

They all still need me to stay strong. We all need to stay strong. Dahil lahat ng nangyari ay nararapat na hindi mauwi sa wala. Kinakailangan naming hindi sayangin ang sakripisyo niya.

"Dawn..."

Nag-angat ako ng tingin nang bumukas ang pintuan ng mismong opisina ko at pumasok si Triton. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at naglakad ako palapit sa kaniya. I guess it's time.

Hinawakan niya ang kamay ko pero imbis na igaya ako sa labas ay nanatili lang siyang nakatayo sa kinatatayuan niya dahilan para mapilitan din akong huminto. Nag-angat ako ng mga mata sa kaniya at doon pa lang ay talamak na ang lakad ko na tila nauubos sa pagkontrol na bumuhos ang pinipigilan kong emosyon.

"Later, Tri." I whispered weakly.

"I love you."

Tumango ako at pilit na ngumiti. Yumakap ako sa bewang niya at sumubsob ako sa dibdib niya. Kahit saglit lang. Gusto ko lang humingi sa kaniya ng lakas kasi pakiramdam ko ubos na ubos na ako. Saglit na saglit lang.

"Do you know?" he said in a quiet voice.

"What?"

"Do you know that no one blamed us?"

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Where stories live. Discover now