CHAPTER 20 ~ Dawn ~

136K 3K 205
                                    

CHAPTER 20

DAWN'S POV

"Dawn?"

Napakurap ako mula sa pagtitig sa laptop ko at nilingon ko si Triton. Mukhang kagagaling niya lang sa gym na isa sa mga facilities ng condominium na kinaroroonan namin. Kasalukuyan niya pang pinupunasan ang buhok niyang bahagyang basa ng pawis.

Parang gusto kong maging tuwalya. "Dawn?" tawag niya ulit sa akin.

"Yes?"

"Baka gusto mo ng kumain? Magdamag ka nang nakatitig diyan."

Kinusot ko ang mga mata ko. Oo nga pala. Apat na oras lang ang tulog ko at maaga akong gumising para maglaro sa laptop. Yes. The workaholic Dawniella Davids is addicted on playing games on her laptop. Paano ba naman ngayon ko lang naranasan na walang ginagawang trabaho. Hindi ko din naman alam kung anong gagawin ko kaya ang laptop ko ang napagdiskitahan ko.

"Get dress, Master. Kakain tayo sa labas."

"Kakain na naman? Kakakain lang kaya natin ng lunch." sabi ko sa kaniya. "Matakaw ka talaga."

May amusement sa mukha na lumapit siya sa akin. Bahagya siyang dumukwang dahilan para mapaatras naman ako sa kinauupuan ko. "That's hours ago, sweetheart. Malapit ng mag-ala sais."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at tumingin ako sa wall clock. Goodness! "Fine. I'll get dress."

Tumayo na ako at naglakad papunta sa kwarto namin. Akmang a-akbayan ako ni Triton pero kaagad na nakaiwas ako sa kaniya. Pinandilatan ko siya at nagsalita. "You're sweaty!"

Ngumisi siya at kinindatan ako. "Dadating ang panahon, Dawn, na maapreciate mo ang kakisigan ko sa ganitong estado."

"Not in a million years. Sweaty is sweaty." sabi ko habang lukot ang ilong na nakatingin sa kaniya.

Natatawang pinadaanan niya ng hintuturo ang ilong ko at pagkatapos ay dumukwang siya at binigyan iyon ng magaang halik. "Cute."

Naiiling na sinundan ko siya ng tingin nang tumuloy na siya sa loob ng kwarto. Such a tease. In born na ata kay Triton iyon. Bawat gawin niya kasi akala mo nang-aakit kahit hindi naman. May ngiti sa labi na sumunod na ako sa kaniya.

Pagkapasok sa kwarto ay wala na siya roon pero maririnig ang lagaslas ng tubig. Nagmamadaling lumapit na ako sa pinaglagyan ko ng damit at mabilis rin na nagbihis. Mamaya ay maabutan pa ako ni Triton. Bukod sa iisa lang ang kwarto rito sa nirentahan namin na condo ay iisa lang din ang bathroom nito.

Ilang sandali lang ay lumabas si Triton mula sa bathroom habang ako naman ay patapos na sa pag-aaply ng make-up. Nginitian niya ako at kinindatan at hindi ko napigilan na mamula nang makita ko na tanging maong pants lang ang suot niya. It ride low and I can see the v of his waist.

"What are you looking at sweetie?"

Kaagad na nag-iwas ako ng tingin at ibinalik ko sa maliit na salamin na hawak ko ang mga mata ko. "W-Wala."

"You're looking at my beautiful body."

"Guni-guni mo lang iyon. Uminom ka muna ng tubig at baka nadedehydrate ka na."

Naramdaman ko na lumundo ang kama pero pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko na paglalagay ng lipstick. Napatigil lang ako ng maramdaman ko ang mukha ni Triton na sumubsob sa leeg ko at pinaghahalikan ako.

"Tri!" Natatawang umiwas ako sa kaniya. "Alis! Mamaya ikaw pa ang malagyan ko nito."

He pouted then batted his eyeslashes at me. Inilapit ko sa nakanguso niyang mga labi ang lipstick habang hinihintay ko ang gagawin niya. His eyes twinkled with naughtiness then he grabbed the lipstick and threw it somewhere.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Where stories live. Discover now