CHAPTER 25 ~ Uncomfortable ~

119K 2.5K 63
                                    

CHAPTER 25

DAWN'S POV

Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang mainit na bagay na dumagan sa akin. Okay lang sana kung hindi halos mawalan na ako ng hininga sa bigat no'n. But no, I don't need to think that hard para lang malaman kung ano ang pumipisa sa akin ngayon dahil pamilyar na ako sa pakiramdam na ito.

Hindi naman ito ang unang beses na tumabi siya sa akin.

"Triton."

No response. Nagpatuloy lang siya sa mahimbing na pagtulog kasabay ng mas lalong paghigpit ng yakap sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako at mahinang siniko ko siya. "Triton Lawrence!" I hissed at him.

"Hmm?"

"You're crushing me."

Mahinang umungol siya na para bang hindi naiintindihan ang sinasabi ko. Mukhang langong-lango pa siya sa antok. "Crush? Hindi kita crush, mahal kita."

"Nabibingi ka na, Tri. Will you just get off me?"

"Don't wanna." he said. "Let me sleep, sweetie. I'm too tired."

Naiintindihan ko na pagod siya pero katulad niya ay gusto ko ding ipagpatuloy ang tulog ko. Pareho lang kaming pagod. Bukod pa doon ay hindi ko alam kung paanong nandito siya sa loob ng kwarto ko ngayon.

"Umalis ka sabi Triton Lawrence!"

Kasabay ng sigaw ko na iyon ay bigla ko na lamang siyang itinulak. At dahil hindi niya inaasahan ang ginawa ko ay dire-diretso siya na gumulong papunta sa sahig. Lumikha ng malakas na kalabog ang katawan niya nang walang babalang lumagapak siya sa semento.

"Sweetie naman!"

"Get out! Kapag nalaman ni daddy na nandito ka paniguradong ipapako ka no'n sa gitna ng BHO CAMP."

Nakasimangot na bumangon siya mula sa sahig at ipinatong niya ang isang siko niya sa kama para mangalumbaba. "Hindi pa ba niya alam? Nagtanan tayo di ba?"

"He probably knows but I'm certain he don't want it be rub on his face."

Kakamot-kamot na tumayo siya. "Sabi ko nga, aalis na nga po."

"Good. Now get out."

"Pwedeng pa-kiss muna?"

Pinigilan ko na paikutin ang mga mata ko. Hindi talaga pwedeng wala siyang ihihirit na sabihin. "Kailangan pa ba?"

"Oo naman. Kumbaga sa kotse, ang halik mo ang gasolina. Paano ko sisimulan ang isang buong araw kung wala ang halik mo na bubuo sa araw ko?"

"So kung matagal tayong hindi magkikita, maghahanap ka na ng gasolina sa iba?"

"Syempre hindi. Anong akala mo sa akin cheap? Basta-basta na lang nagpapagasolina sa iba? Aba hindi pwede yan, sweetheart. Only the best for the best."

Ipinilig ko ang ulo ko. Pakiramdam ko kung saan-saan na nakakarating ang usapan namin. "Umalis ka na nga at nahihilo akong kausap ka."

"Pa-kiss na muna kasi."

"Fine-"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nakalapit na siya sa akin kaagad. Sa pagkabigla ko ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na halos ilang distansiya na lang ang layo sa kaniya dahil ngayon ay nakakubabaw na siya sa akin.

"A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Akala ko ba halik lang?"

"Halik nga lang. Pero siyempre ang special mo na halik ay kailangan din ng special position."

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Where stories live. Discover now