CHAPTER 11 ~ Finaliento ~

119K 2.7K 274
                                    

CHAPTER 11

TRITON'S POV

"No."

Dalawang letrang salita ngunit nakapagdulot ng sobrang sakit sa akin. Pero alam kong kasalan ko. Masyado ko na siyang nasaktan.

Mabilis na isinakay ko si Dawn ng may tumigil na sasakyan sa harapan namin sakay ang kambal na babaeng Eris at Enyo.

Nagbaba ako ng tingin kay Dawn na kita ang hirap sa mukha. "I-I won't take no for an answer, Master Dawn. For now magpagaling ka muna."

Hindi na niya nagawang makasagot ng bigla siyang suminghap na para bang kinakapos siya ng hininga.

"Hold on Dawn!"

Hindi ko alam kung naririnig niya pa ako. Bakas ang hirap sa mukha niya habang hinahabol ang hininga niya. Kasalanan ng Claw ito. Lahat ng nangyayari sa amin ay kasalanan nila. Ang dami ng pinagdaanan ni Dawn dahil sa kanila. Kung kaya ko lang...kung kaya ko lang na ilayo siya ng tuluyan sa gulong ito.

"K-Ki...K-Kill me."

"No!"

"P...Please..."

Napuno ng ingay ang sasakyan. Puro mura ang isinisigaw ni Enyo at Eris patungkol kay Warner na nasa pinakalikod ng sasakyan kasama sina Stone at Blaze na kasalukuyang kausap ang agent na may dala ng private plane ng BHOCAMP dito sa UAE.

"Please..."

"You can't die. And even if you do, I'll move heaven, earth and hell just to bring you back."

"Tri...p-please-"

Hindi na nagawang tapusin ni Dawn ang sasabihin niya ng yumuko ako at ilapat ang mga labi ko sa kaniya. I forced my breath into her as much as I can. Paulit-ulit ko iyong ginawa ngunit hindi iyon sapat para matulungan si Dawn.

She slowly opened her eyes and screamed. I can feel my heart tearing as she cries for help...and the feeling of fear as I look into her eyes. Light brown ang kulay ng mga mata ni Dawn, ngunit ngayon ay lalong pumupusyaw ang kulay niyon na para bang nawawalan ng kulay ang mga mata niya.

"Dawn..."

"We're here! Get her out!" sigaw ng isa sa kambal na Wright.

Mabilis na inilabas ko si Dawn habang sa labas ay nandoon na ang isa kaila Blaze at Stone para alalayan ako. Nagmamadaling itinakbo namin si Dawn patungo sa private plane ng BHOCAMP; Ang Superman.

Sa baba ng pintuan ay nandoon ang magiging pilot namin na si Thunder. "I've been here for ages- What the!"

"No time to talk, hurry up!"

Mabilis pa sa alas-kwatro na tumakbo si Thunder pabalik sa loob ng private plane habang nakasunod kami sa kaniya. Nang makapasok kami ay kaagad na kumilos ang isa sa Wright at nirecline pababa ang isang upuan. Inihiga ko doon si Dawn at inactivate ko ang mga seatbelt niya habang may naghila na ng oxygen para ikabit iyon kay Dawn.

"Get ready, Tri." sabi ni Thunder na nasa harapan na.

Mabilis na umupo ako at inactivate ang seatbelt. Hinawakan ko ang kamay ni Dawn at kasabay n'yon ay naramdaman ko ang mabilis na pag-andar ng sinasakyan namin.

"How long will it take Thunder?" I asked.

"Two hours."

"Shit!"

"Pwede ko pang pabilisin. But we don't usually do that kapag malayo ang destinasyon. Something might go wrong."

Hindi na ako nakasagot ng muling sumigaw si Dawn. Halo-halo na ang sinasabi niya at halos hindi na marinig dahil sa mga sigaw niya. But I able to catch some of her words. Pain, paralyze, burning.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Where stories live. Discover now