CHAPTER 9 ~ Forgotten Past ~

136K 3K 329
                                    

CHAPTER 9

DAWN'S POV

"Get away!"

Nakangusong umusog pakaliwa si Triton na kanina ay sinisiksik ako para tumingin sa bintana sa gilid ko. Nasa aisle kasi ang upuan niya.

"Sungit talaga."

Hindi ko na lang pinansin ang pabulong niyang sinabi at tumingin na lang ako sa bintana. Pilit na inalis ko na rin sa isip ko ang apat pa naming kasama. Ang dalawa kasi sa kanila ay kulang na lang sumigaw sa lakas ng boses.

"Ang tagal naman!"

"Oo nga eh! Ako na kaya ang magpaandar ng eroplano?"

"Tama ka diyan, sis. Paniguradong madali lang ito dahil mas mahirap i-handle ang Superman- Aray!"

Lumingon sa akin ang isa sa kambal ni tita Paige na nakaupo sa unahan ko at aangal sana nang makita niya ang ekspresyon ko. Nag peace sign na lang siya. "Tsuri tsuri Master Dawn."

"Oy! Akin lang si Master Dawn!"

"Weh? Sayo siya?"

Sumimangot si Triton. "Sino ka ba?"

"Enyo, bakit may angal ka?"

"Oo! Akin lang si Master Dawn kaya wag mo siyang tatawaging 'master'!"

Tumayo si Enyo sa kinatatayuan niya at namewang. "Bakit kayo na ba? Magpapakasal na ba kayo? Magkakaanak?"

Bago pa makasagot si Triton ay piningot ko na siya sa tenga at pagkatapos ay tinignan ko ng masama si Enyo. "Umupo ka o ihahagis kita sa labas."

Umupo naman siya pero hindi pa rin siya tumigil sa pagsasalita. "Ewan ko sa iyong dalawa. Papangit ako sa inyo! Blaze pinagbabantaan ako ni Dawn o."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano namang kinalaman ni Blaze sa usapan? May hindi ba ako alam? Napabuntong-hininga na lang ako. Kung bakit naman kasi ang mga ito pa ang na-assign para maging kasama ko. At kung bakit naman kasi kailangan pa naming sumakay sa isang pampublikong eroplano.

We ca easily use BHO CAMP's transportation vehicles. Kaya lang kailangan namin gawin ito dahil dito din sa eroplano na ito nakasakay ang mga tauhan ng Claw na sa kung anong kadahilanan ay patungo ngayon ng UAE.

May hinuha kami na pupuntahan nila ang isa pa nilang hideout. The source indicates that Wyatt Claw's brother might be the one handling the UAE hideout.

"Hmm." tanging sinabi ni Blaze.

"Blaze! Dapat awayin mo si Dawn para sakin!"

"She's the boss."

"Kahit na! Ako kaya ang girlfriend mo! You don't love me!"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Enyo. That's a new one. Mukhang masyado na akong nalulunod sa trabaho kaya hindi ko na alam ang mga bagong pangyayari sa buhay ng mga agents.

"Enyo." si Blaze.

"What?"

"Who are you?"

"Enyo Wright. Why?"

"Who owns you?"

Saglit na natahimik si Enyo habang kami nila Stone, Eris at Triton ay nag iintay sa sasabihin niya. Tumingin akong muli sa bintana at kunway hindi nakikinig. But I heard it clearly when she whispered. "You."

"Eris." tawag ko sa pansin ng kakambal ni Enyo. Pareho silang nasa harapan namin ni Triton na siyang katabi ko. Sa unahan nila ay nandoon sina Stone at Blaze.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Where stories live. Discover now