CHAPTER 12 ~ Trust ~

117K 2.7K 258
                                    

CHAPTER 12

DAWN'S POV

Lumikha ng maingay na tunog ang kubyertos na hawak ko nang pabagsak ko na ibinaba iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako. Kung bakit naman kasi ayaw ako payagan ng parents ko na bumalik sa trabaho o lumabas man lang.

I feel fine. Well except my eyes. Dahil sa mga mata ko pinalitan tuloy ang mga kurtina ko para hindi pumasok ang sinag ng araw. Dinaig ko pa si Dracula sa sobrang dilim ng kwarto ko.

Huminga ako ng malalim at muling dinampot ang kubyertos ngunit napadako na naman ang paningin ko sa isang sobre na nasa isang maliit na lamesa di kalayuan mula sa akin.

The wedding invitation.

I know I should never trust that man. Mabuti sana kung hindi na lang niya ginising ang mga bagay na matagal ko ng itinatago. It's better before when I can't feel anything for him. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon malalaman ko na ganito?

Pero sino nga ba ako para maghabol? Wala ngang nakakaalam sa namagitan sa amin. Wala ngang nakakaalam sa nararamdaman ko.

I still love you.

Kumalansing na naman ang mga kubyertos ng muli ko iyong bitawan. Padabog na kinuha ko ang plato at buo ko iyong itinapon sa basurahan.

"Damn it, Dawniella."

I know why it's bothering me. This is the same reason why I was hell bent on forgetting what we had. Dahil gugulo lang ang lahat. Dahil magugulo na naman ang tahimik ko na buhay. Because even though I still have feelings for him...it doesn't mean that I trust him.

I don't trust him with my heart. I don't trust him not to break it again.

Pero alam ko rin na kung hindi man lahat ay may nagawa ng nakapasok sa puso ko. Dahil kung walang nagbago ay dapat hindi ko nararamdaman ito. Dapat hindi ako nasasaktan kapag naiisip ko ang mga nabasa ko sa imbitasyon na iyon.

"Seven months. I was asleep for seven months and that man...that impossible man is engaged?!"

At hindi man lang niya ako binisita. Nakalabas na ako at lahat mula sa ospital hindi ko man lang nakita ang mukha ng walang kwentang tao na iyon.

"Ang tanga ko!" nahagip ng paningin ko ang repleksyon ko sa salamin na nakasabit sa dingding. "Fool!"

Sa panggigigil ko ay nahagip ng kamay ko ang isang pigurin na malapit sa akin at basta ko na lang iyon itinapon sa kung saan. Nang marinig ko ang malakas na tunog na nilikha nang pagkabasag niyon ay pilit na pinakalma ko ang sarili ko. Mamaya niyan ay wala ng matira sa mga gamit ko.

Pipihit na sana ako papunta sa kwarto ko ng bigla na lang bumukas ang pintuan. Nagtatakang tumingin ako roon ngunit napalitan iyon ng paniningkit ng mga mata nang makita ko kung sino ang naroroon.

"Anong ginagawa mo dito?!"

Nagtaas ng mga kamay si Triton na para bang tinututukan ko siya ng baril. "O, chill ka lang diyan sweetheart."

"Do. Not. Ever. Call. Me. Sweetheart!"

"Are you okay?" tanong niya at nagkamot sa batok. Badha sa mukha niya ang labis na pagtataka. "Bakit ba mainit ang ulo mo? Akala ko pa naman matutuwa ka na makita ako."

Nasisiraan na ba siya ng bait? Naririnig niya ba ang sarili. Parang laro na lang talaga sa kaniya ang lahat. Hindi man lang niya naisip kung anong maaaring maging resulta ng mga desisyong ginawa niya. "Seeing you is the last thing I want to do!"

Ngumuso siya at humalukipkip. "Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin? Hindi mo ba alam kung gaano ako katagal naghintay para marinig ang boses mo at makita ka na gising na?"

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Where stories live. Discover now