CHAPTER 1

272 16 41
                                    

Chapter 1


"JAIRESS, this is Sammy and her Dad," wika ni Mom habang ipinakikilala ang bago n'yang asawa at anak nito.

"Hi." tanging nasabi ko at isinukbit ang bag ko.

I'm getting late!

"Where are you goin'?" nagtatakang tanong ni Mom, nalimutan yatang unang araw ng klase ngayon.

"Look Mom, may pasok pa po ako. I'm goin' bye love you!" sigaw ko bago tuluyang sumakay sa kotse.

"Kuya paki bilis po ha? Malalate na po kasi ako" nakangiting sabi ko.

Tumango ang driver namin at agad pinaharurot ang kotse palayo. Alam kong bastos ang sinabi ko do'n sa mag-ama pero hindi ko talaga sila feel.

Pakiramdam ko'y hindi magandang maging bahagi sila ng aming pamilya. Arghh what am I thinking?!

Napairap nalang ako sa hangin at inopen ang rp acc ko. There's a message! From my bf gosh!

Jace: Don't forget to eat your breakfast or else i'll bit you!

Natawa ako sa mensahe n'ya at the same time medyo naguluhan. Sa loob ng mag-iisang taon na relasyon namin ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Jace. Usually kasi sweet lang s'ya at hindi ganitong mukhang you know, horny.

Jim: I will, you too!

Reply ko bago ko narinig ang tawag ni Kuya.

"Nandito na tayo, Jai" sabi ni Kuyang driver.

"Salamat sa paghatid Kuya! Ingat sa pag-uwi!" nakangiting paalam ko.

Kumaway pa saakin si Kuya bago tuluyang umalis. Napabuntong hininga ako bago hinarap ang gate ng school. Gosh i miss this school.

"University of Bonifacio" nakangiting ani ko sa hangin at agad ng pumasok.

Papaliko na sana ako sa isang hallway ng may tumatakbong lalaki ang nakabunggo saakin, dahilan ng pagka-upo ko sa sahig.

Sino ba 'yon?!

Galit ko itong tinapunan ng tingin ngunit nagdere-deretso na s'ya sa pagtakbo!

"Jairess! Omy what happened?" she ask.

My 3 years bestfriend Nelly.

"Arghh paano may lalaking bumangga saakin! At hindi man lang ako tinulungan!" inis na ani ko.

"Oh baka si Jino 'yon" sabi n'ya.

"Sinong Jino? New 'heartthrob' nanaman?" napapairap sa hangin na ani ko, tila ba iritang-irita.

"Hindi loka, si Jino 'yan 'yung may ate na sikat na artista you know pati s'ya napag-uusapan minsan dito sa buong University." sabi n'ya.

"Tss, Nelly halika na nga ayoko nang makarinig ng tungkol sa lalaking 'yon!" inis na ani ko at nauna ng maglakad, tila ba walang kasama.

"Hey, may balita pa ako!" habol n'ya at ng maabutan ako ay agad ikinawit ang braso sa'kin.

"And that is?" naghihintay na sabi ko.

"May Student Teacher tayo." nakangiting aniya.

Nangunot ang noo ko at bago pa man makapagsalita ay may nagsalita na mula sa likod namin.

"Kung magdadal-dalan kayo sa daan pwede bang tumabi kayo? Nakakaistorbo kayo." sabi nito at mabilis kaming nilagpasan.

Aba sino na naman ang bastos na 'yon?!

"Aba't—hmm! Ano ba!" inis na ani ko, takpan ba naman ang bibig ko!

"Chill kalang kasi Jairess, huwag mo ng awayin 'yun tampulan na nga ng bully ang tao." sabi nito.

It All Started in RPW (Published Under LLP)Where stories live. Discover now