CHAPTER 9

62 7 13
                                    

CHAPTER 9

"BOYFRIEND huh?" Natatawang ani ko at lalagpasan na sana si Sammy ng bigla niyang hinila ang braso ko.

"Answer my question bitch." nakataas ang kilay na sabi niya at pumamewang pa sa harap ko.

"Malamang wala ang driver ko kaya sinabay niya ko since nasa iisang bahay lang kami." Sabi ko at hindi na siya hinintay na sumagot.

Kaagad na kong umakyat sa kawarto ko. Inilapag ko ang gamit ko bago dumeretso sa banyo upang maglinis ng katawan. Nang matapos na ako ay ginawa ko rin ang skincare routine ko.

6:30 pa lang kaya hindi muna ako matutulog dahil masyado pang maaga. Nag-online ako sa rp acc ko at binisitang muli ang convo namin. Walang nagbago ganoon pa rin tulad ng dati kung saan nahinto ang pag-uusap namin.

Nang walang mapala ay kinuha ko ang bag ko at doon namataan ang sulat na kanina ko pa sana binasa.

Jairess,

I know you don't know me. But i just want to say how beautiful you are. Keep slayin' my lady.

Someday we'll meet.

—M

Napakunot ang noo ko at napa-isip M? Ngayon lang uli 'to nagparamdam. Hindi ko siya kilala pero bakit mukhang kilalang-kilala niya ako? Sino ba siya? Anong kailangan niya?

NAGISING ako dahil sa marahang paghaplos sa buhok ko. Napabalikwas ako ng bangon ng mamataan si Daddy!

He's smiling at me! Kaagad kong naramdaman ang pamamasa ng mga mata ko. Dali-dali akong lumapit sakaniya at yumakap ng mahigpit.

"Dad... I miss you. I really do.." umiiyak na ani ko habang siya nama'y walang tigil sa paghaplos ng buhok ko.

"Everything will be alright my princess. Just go with the flow and fight those shits who will come just to try ruining you." Sabi niya at hinalikan ang aking noo.

Bumitaw siya saakin dahilan ng lalong pag-agos ng mga luha ko.

"No dad! No don't leave me!" Sabi ko't patuloy na nag-iiyak.

"Jai! Jai wake up honey..." Nagising akong basang-basa ang pisngi ko.

It was just a dream. Sana.. Sana hindi nalang ako nagising.

"Mommy.." umiiyak sabi ko at kaagad yumakap sakaniya ng mahigpit.

"Mommy si Daddy... Mom," hirap na hirap na usal ko habang patuloy sa paghikbi.

"Shhh it's ok. Honey, Mommy is still here ok? I love you shh." Sabi niya at hinalikan ako sa ulo.

Nang mahimasmasan ako ay bumitaw na siya upang magpaalam. May pasok kasi siya kahit sabado.

Napabuntong hininga ako ng maramdamang mag-isa na naman ako. Kinuha ko ang cellphone ko at muling inopen ang acc ko. Bumungad saakin ang post ni Jace Montefalco.

"Halos isang dangkal nalang ang layo mo, pero bakit pakiramdam ko'y milyong-milyong ektarya pa ang layo natin sa isa't isa? Dahilan upang ika'y hindi mahawakan aking sinisinta?"

Namamaga man ang mga mata ko sa pag-iyak kanina ay hindi ko na 'yon napagtuunan ng pansin. Bakit ganito ang status niya? Nagkita naba sila ng gf niya? May problema kaya sila?

Maraming tanong ang nabuo sa isipan ko matapos mabasa nag ipinost niya. Nagkibit balikat nalang ako at nag-ayos ng sarili upang bumaba at kumain ng agahan wala naman akong msyadong gagawin.

It All Started in RPW (Published Under LLP)Where stories live. Discover now