CHAPTER 7

77 5 10
                                    

CHAPTER 7

NAPAKAGAT ako sa ibabang labi ko habang tinititigan ang pintong nilabasan ni Kim. Hindi ko alam ang isasagot ko pero heto siya't patuloy hinihintay ang desisyon ko.

"Hindi ako naniniwalang ikaw siya." tanging nai-usal ko at madiing ipinikit ang mga mata bago umalis sa silid na 'yon.

"Jairess!" rinig kong tawag nila Sir pero hindi ko na sila tinapunan pa ng pansin.

Lutang na lutang ako at tila ba naglalakad lang ako sa ilalim ng buwan kahit ang totoo ay tirik na tirik na ang araw.

Napabuntong hininga ako matapos marating ang likod ng University kung saan may simpleng bench na maaaring upuan or kainan kapag lunch time.

Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ng hindi maintindihang ingay. Hula ko ay may nagbabato ng bato sa bakal siguro.

Then i saw him, si Kim.

"Hey," tawag pansin ko sakaniya.

Lumingon siya saakin saglit at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Why did you walk out?" i asked while looking at the ground.

"It's boring." simpleng sagot niya.

I shrugged i little before facing him.

"What?" he asked.

"Do... You have friends?" i asked.

Narinig ko ang mahinang tawa niya bago tumingala sa maliwanag na kalangitan.

"I wish, you know how our Classmates hate me right?" he said.

Nakita ko kung paano siyang ngumiti ng mapait, sa sobrang pait ay tila ba nalasan ko na ito.

"Why is that? Bakit ba ayaw nila sa'yo?" tanong ko, hindi iniisip na maaari siyang masaktan.

He just laugh a bit before turning his back on me.

"I'll go ahead, bye Jairess." aniya at iniwan ako roong nag-iisa.

IT'S already sunday. At base sa nabasa ko ngayon din gaganapin ang RPW GRANDMEET UP. Gosh I'm so excited.

Ni hindi na nga ako kumain sa bahay mahirap na baka magkagulo na naman dahil sa sagutan namin ni Sam.

Tinawagan ko kaagad si Sam para itanong kung nasaan na siya.

"Hey," she said in the other line.

"Saan kana?" tanong ko.

"Here na sa mall, malapit na ako sa Timezone, 'diba doon ang meet up? Since ang iba ay sa Quezon?" tanong niya.

"What? Sa Quezon tayo pumunta! Para mas madami tayong mameet na Rp'er!" ani ko.

Narinig ko ang tawa niya bago sinabing susunduin niya nalang ako. Nang dumating na siya ay kaagad akong sumakay sa kotse niya na ang nagmamaneho ay ang personal driver niya.

"Medyo malayo-layo 'yun, Jai." she said while combing her brown hair.

"It's ok, worth it naman kasi mamemeet ko rin sila Ate." sabi ko habang iniisip ang magiging reaction ng itinuturing kong ate sa RPW.

Tumagal nga ang byahe lalo na at traffic kaya kapag nagugutom ay humihinto kami sa drive thru. Nang makarating sa Quezon ay binasa ko uli ang post.

Nang matukoy namin ni Nell kung saan 'yon ay kaagad kaming dumeretso ro'n at nadatnan ang maiingay na teenagers. Ang dami!

There's a color code kung anong SH, BH , WH , or SBH. Hindi naman kami nahirapan ni Nell.

Naghiwalay muna kami upang makita ang mga friends namin. Halos mapatili ako ng makita ang Founder namin.

It All Started in RPW (Published Under LLP)Where stories live. Discover now